Isinara ang dulong bahagi ng España Boulevard sa Maynila dakong 10:00 Biyernes ng gabi.
Ayon kay Engr. Peter Bulusan, hepe ng Special Projects ng Manila Engineering District ng Department of Public Works and Highways (DPWH), isinara kagabi ang northbound lane sa kanto ng Lerma at Nicanor Reyes Streets kasabay ng inaasahang paghupa ng mga motorista patungong Quiapo.
Binakbak na ang center island at lalagyan ng traffic cones bilang paghahanda sa pagsasaayos ng drainage sa lugar.
Layon ng proyekto na maitaas sa 40 sentimetro ang kalsada upang maiwasan ang pagbaha.
Naglatag na rin ng alternatibong ruta para sa mga motoristang maaapektuhan ng proyekto na tatagal ng dalawang buwan.