MASASABING nagmula sa isang sci-fi novel, ang binansagang ‘truck-helicopter’ ay isa nang reyalidad ngayon.
Matagumpay na nakumpleto ng Black Knight Transformer ang una nitong flight test, at naglabas ng kagilagilalas na video ang lumikha nito na Advanced Tactics bilang patunay na maaari nang gamitin ito sa pagbuhat ng mabibigat na kargamento.
Nagsimulang magtrabaho ang AT para kumpletuhin ang kakaibang sasakyang panghimpapawid noong 2010 gamit ang pondong nagmula sa Kongreso ng Estados Unidos.
Ang malaking interior volume nito ay kahintulad ng sa Blackhawk (UTX) helicopter para makapgbigay ng lugar sa dadalhin kargamento o kagamitan at nasugatang mga sundalo. Mayroon din itong automotive suspensions, drive trains, malalaking gulong, at shocks katulad din ng opisyal na off-road vehicle na kayang tumakbo ng mahigit 70 milya kada oras.
Ang Black Knight ay maaaring paliparin ng isang piloto—o hindi. Ang unang flight na ginawa ay ‘unmanned’ o walang piloto.
Parang isang malaking kahon na lumilipad sa hangin sa pamamagitan ng mga prop-rotors, ang modular hybrid ay lumilitaw sa paningin na binuo mula sa mga spare part, at hindi ito malayo sa katotohanan: Ang propulsion system at airframe ay gawa mula sa mga low-cost, field-replaceable component, na ang kahulugan kapag ito ay na-disassembled ay madali itong i-repair.
Sa madalingh salita, ito’y isang sasakyan na tunay na maiibigan ni MacGyver o James Bond.
Kinalap ni Tracy Cabrera