ni Nonie V. Nicasio
HINDI na pala matutuloy ang pelikulang pagsasamahan sana nina Kris Aquino at Derek Ramsay sa Regal Films. Ba-lita namin ay atat na atat pa naman si Tetay na makatambal ang star actor ng TV5 kaya kinumbinsi niya si Mother Lily Monteverde na ang pelikula muna nila ni Derek ang unang gawin, imbes ang Marian Ri-vera – Derek movie.
Original plan kasi ng Regal Films kay Marian unang itambal si Derek nang pumirma sa kanila ng three picture contract si Derek. Ngunit nagulo nga ang plano nang umentra sa eksena si Kris.
Pero ‘yun na nga, hindi na matutuloy ang Kris-Derek mo-vie. Kantiyaw tuloy ng ibang miron, hindi na raw ‘matitikman’ ni Kris si Derek sa proyektong ito na ang tema pa naman daw ay isang adult-drama movie, kaya may mga maiinit na love scenes sila dapat dito.
Ayon kay Derek, balita raw niya ay hindi pinayagan ng kanyang mother studio si Tetay na gawin ang naturang movie with him.
Actually, nang nakapanayam nga namin dati si Derek, sinabi niyang either kay Marian or kay Lovi Poe siya unang itatambal sa Regal.
Tignan na lang natin kung mas may ingay at mas may chemistry ang tamabalang Marian-Derek kaysa naunsiyaming Kris-Derek tandem.
Tyrone Oneza, humahataw sa mga mall show
PATULOY ang kaliwa’t kanang mall shows ni Tyrone Oneza. Abangan siya sa June 10 sa kanyang mall show sa SM Lipa. Bukod sa sandamakmak niyang mall shows, mapapanood din si Tyrone sa June 20 sa Music Museum bilang special guest sa album launching ni Azrah.
Incidentally, malapit nang mabili sa record bars ang first album ni Tyrone na pinamagatang Dito Sa ‘King Piling na ire-release ng Praise Records. Ito’y komposiyon ni Vehnee Saturno. Kabilang sa mga kanta rito ang Hanggang Ngayo’y Ikaw, Nag-Iisa Ako, Pangako, Kahit Konting Pagtingin, Nanghihinayang, at Sinta. Ayon kay Tyrone, marami si-yang naka-line-up na mall shows lalo na kapag na-release na ang kanyang album.
Kaya hindi ako magtataka kung very soon ay babansagan na si Tyrone bilang King ng mall shows.
After magbakas-yon ng two weeks ni Tyrone sa Spain para magpahinga at mag-recharge, babalik siya sa first week ng June upang humataw muli sa pagpo-promote ng kanyang album at ng Mega-C vitamins.
Isa pa sa blessings na dumating kay Tyrone ay ang pagiging endorser niya ng Mega-C Vitamins. Thanks sa good judgment ni Ms. Yvonne Benavidez, CEO and President ng kompanya ng naturang vitamin sa pagkuha kay Tyrone. Ayon sa masipag na singer at dating That’s Entertainment member, si Ms. Yvonne na rin ang tumatayong manager niya ngayon.
Inusisa rin namin si Tyrone kung nakaaapekto ba sa kanyang singing career ang ilang mga personal na problema, pero positive pa rin ang pana-naw niya sa buhay.
“Kasi po para sa akin, ang problema ay parte talaga ng buhay ng tao iyan e, pero dapat, ang iniisip natin ay ang present at future. Masaya naman ako ngayon dahil ang singing at pag-entertain sa mga tao ang passion ko talaga e,” saad niya.
Ayon naman kay Ms. Yvonne, nakatulong sa sales ng Mega-C vitamins ang pagiging endorser ni Tyrone. “Well, siyempre nag-i-improve ang sales ko. Siyempre kasi ipino-promote din namin, kaya malaki rin talaga ‘yung itinulong ng alaga kong si Tyrone.
Nang tanungin namin si Ms. Yvonne kung sa palagay niya puwedeng maging King ng mall shows si Tyrone, ito ang naging tugon niya. “Puwede siyang ma-ging mall king talaga kasi masipag si Tyrone.
Ang maganda pa kay Tyrone, hindi lang matatanda ‘yung nakaka-appreciate sa kanya kundi pati mga bata.
May appeal si Tyrone sa masa e. Magaling siyang mag-PR sa mga tao kaya love siya ng masa.
“Bagay sila ng aking Mega-C vitamins, kasi bitamina ito ng bayan dahil ang mura ‘di ba? Tapos si Tyrone naman, singer siya ng bayan.”