Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May ‘sex list’ si Lindsay Lohan

KINOMPIRMANG gumawa nga ang aktres na si Lindsay Lohan ng listahan ng mga taong nakatalik niya, at may ilang pa-milyar na mukhang napasama rito.

Isinulat ng 27-anyos na aktres ang 36 na kilalang ‘lovers’ sa isang pirasong papel na nakuha ng InTouch Weekly.

Kabilang sa A-Listers ni Lohan na kanyang naka-sex ay sina Ashton Kutcher, Zac Efron, Adam Levine at ang yumaong Heath Ledger.

Ayon sa magazine, nakuha nila ang impormasyon mula sa isang source na nagbigay sa kanila ng pirasong papel na naglalaman ng listahan, na isinulat ni Lindsay noong kasama ang kanyang mga kaibigan sa Beverly Hills Hotel nitong nakaraang Enero 30.

“Naghahagikhikan sila at nag-uusap tungkol sa s— ng iba’t ibang mga personalidad sa industriya,” pahayag ng source.

“Personal niyang conquest list ito,” patuloy ng insider. “Gusto niyang ma-impress ang kanyang mga kaibigan sa listahan tapos itinapon niya iyong listahan.”

Lumilitaw na napakarami ng kanyang naging mga ex-lover kaya nahirapan ang Mean Girl actress na matandaan ang lahat sa kanila.

Tumitigil-tigil pa si Lohan “na para bang inaalala kung sino-sino ang nakasama niya,” dagdag ng source.

Ang ilan pang malalaking celebrity na nasa listahan ay ang Irish actor na si Colin Farrell at sina Joaquin Phoenix, James Franco at Max George ng The Wanted.

“Naglalaman iyong listahan ng malalaking pangalan, at hindi lahat mga binata,” sabi ng isa pang insider. “Kapag na-bulgar ito, mayayanig ang Hollywood.”

Wala pang reaksyon mula sa kampo ni Lohan ukol sa listahan, at gayundin mula sa mga nakalistang mga aktor.

Sa pagna

nais na ma-ti-yak ang kredibilidad ng listahan, nagsagawa na rin ng paghahambing sa estilo ng pagsusulat ni Lindsay sa sinulat niyang mensahe sa crew ng Saturday Night Live . . . at mukha namang magkapareho ang sulat-kamay ni Lohan.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …