Thursday , June 4 2026

Jake, may pagka-isnabero?

ni  Rommel Placente

IMBUDO ang kaibigan naming si mommy Eva kay Jake Cuenca dahil daw sa pagiging isnabero nito. Noong ginanap daw kasi sa Singapore ang ASAP na nandoon siya ay nilapitan niya ang aktor para magpa-picture rito.

Pero ang dialogue raw nito sa kanya ay ’Kailangan pa kasing magpa-picture.”

Nagulat daw siya sa naging reaksiyon ni Jake, pero itinuloy pa rin daw niya ang pagpapakuha rito, Pero noong tingnan niya na sa digicam ang picture nila ni Jake ay hindi naman daw ito nakaharap, nakatingin daw sa kanan si Jake na halata raw na ayaw nitong magpa-picture sa kanya at napilitan lang.

Para sa patas na panulat, bukas ang pahina ng aming kolum para sa paliwanag ni Jake.

ELMO, EXTRA LANG SA COMMERCIAL NINA SARAH AT ENRIQUE

SA commercial ng isang deodorant ay background lang nina Sarah Geronimo at Enrique Gil si Elmo Magalona.  Ang dalawang talent ng Kapamilya Network ang bida sa commercial na ang ginagawa nila ay sumasayaw habang ipinakikita nila na ginagamit nila ang brand na ito ng isang deodorant.

Si Elmo naman ay kumakanta pero ang shot niya ay malayo. Halatang extra lang siya rito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …