Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manila kotong engineer timbog sa entrapment

ISANG enhinyerong opisyal ng Manila City Engineering Office ang nasakote ng mga awtoridad nang tanggapin ang hinihingi niyang ‘padulas’ mula sa isang arkitekto sa loob ng kanyang tanggapan kahapon ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Engr. Juan Capuchino, Jr., chief of staff sa City Engineering Office na inireklamo nina Cesar “King” Gallardo at Architect Bryan Chester Lim, ng 145 Leopoldo Street, Villa Catalina, Dasmariñas Cavite.

Sa isinagawang coordination ni Insp. Dennis Wagas, Legal Department ng Manila Police District (MPD) at Manila City Hall Manila Action Special Assignment  (MASA) Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., dakong 3:00 p.m. isinagawa ang nasabing entrapment.

Dinakip at nabawi sa suspek ang P50,000 marked money na ibinigay ng mga complainant na sina Lim at Gallardo.

Sa ulat, ginigipit umano ni Capuchino ang mga biktima sa kanilang mga proyekto, partikular ang itinatayong condominium sa Dagupan, Tondo,  kahit legal ang kanilang mga papel at pilit umano silang hinihingan ng pera upang matuloy ang konstruksiyon.

Ayon sa suspek, galit lamang sa kanya ang nasabing  arkitekto  dahil  ilang notice na ang ipinadala niya na hindi maaaring ituloy ang konstruksiyon dahil nasasakop umano ng condominium ang estero sa lugar.

Kaugnay nito, negatibo sa flourescent powder test ang suspek dahil hindi pa nahahawakan ang marked money.

Ayon kay Irinco sasampahan ng kasong direct bribery at violation of anti-graft and corrupt practices ang suspek.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …