Monday , December 23 2024

Globe naglunsad ng crackdown vs kompanyang sangkot sa text spams

NAGLUNSAD ang Globe Telecom ng isang kampanya upang tugisin ang mga kompanya na may kinalaman sa pagpapadala ng unsolicited text advertisements, na tinatawag na text spam sa harap ng pinaigting na pagsisikap ng telecommunications provider laban sa naturang makadedesmayang text messages.

Hiniling ng telecommunications provider sa National Telecommunications Commission na atasan ang Caritas Shield Inc., na magbayad ng kaukulang multa dahil sa pagpapadala ng text spam sa Globe subscribers.  Hiniling din ng Globe sa NTC na permanenteng bawalan ang Caritas, ang mga ahente at empleyado  nito sa pagpapadala ng mga spam texts sa Globe customers.

Nagbabala si Globe General Counsel Froilan Castelo sa iba pang kompanya na ang mga ahente ay gumagamit ng marketing strategies na may kinalaman sa pagpapadala ng text spams na mahaharap sa katulad na parusa..

Sa reklamong isinampa laban sa Caritas sa NTC, sinabi ng Globe na dapat mapigilan agad ang Caritas sa pagpapadala ng text spams at hiniling na magpalabas ang regulatory board ng cease and desist order laban sa Caritas.

Bilang prepaid subscriber ng Globe, nilabag umano ng Caritas ang terms and conditions na nakasaad sa User’s Guide na itinakda ng telecommunications company para sa prepaid SIMs nito. Partikular na nakasaad sa User’s Guide na hindi dapat gamitin ng subscribers ang prepaid service, handset, SIM cards, call & text card para sa anomang mapanlinlang at mapang-abusong layunin.

Ang Caritas ay nagpapadala ng spam text messages sa Globe at TM subscribers, na nanghihikayat kumuha ng health care at insurance products. Ayon sa Globe, ang text spams na nagmumula sa Caritas ay labis na nakaaapekto sa reputasyon ng kompanya sa mga customers nito at nagdudulot ng “malawakang pagkainis” sa Globe subscribers, na nagreresulta sa maraming reeklamo sa customer service department. Isa sa text spam mula sa Caritas ay nagsasabing : “Caritas Health Shied Inc. offers a pre-approved comprehensive health card with money-back guarantee. If you’re interested, please reply with your name, age and address. Our health consultant will assist you shortly.”

Maraming subscribers ang nagrereklamo na nakatatanggap sila ng average na 5 hanggang 10 text spams kada araw. Ang spam messages ay kadalasang ipinadadala sa pamamagitan ng prepaid numbers dahil hindi sila matutunton at madaling maitapon. Ang spammer ay hindi na rin kailangan ng specific numbers upang magpadala ng spam messages dahil gamit nila ang USB GSM modems at ang kanilang spam number ay magkakaiba. Ang mga lehitimomg text blast na inaprubahan ng regulating agency ay  maayos na kinikilala at hindi nagtataglay ng 11-digit numbers.

“The clamor of customers to combat spam messages has become a matter of public interest so the NTC should use all its disciplinary powers against spammers like Caritas,” pagbibigay-diin ng Globe sa reklamo nito.

Ang crackdown laban sa mga kompanyang sangkot sa text spams ay kasunod ng information drive na inilunsad ng Globe noong nakaraang Enero sa layuning mabigyan ng kaalaman ang subscribers kung paano haharapin ang nakaiiritang text spams. Ang information drive ay nagresulta sa pagdami ng mobile numbers na na-deactivated sa Globe service sa unang apat na buwan ng taon. Hanggang noong April, sinabi ng Globe na may kabuuang 384 mobile numbers ang na-block sa kanilang network.  Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 11% kompara sa kabuuang bilang na naharang sa network para sa buong 2013.

“We expect this number to increase further as Globe continues to step up its drive versus annoying and bothersome text spams. We would like to assure our subscribers that the company will continue to amplify our campaign until we have substantially reduced, if not eliminated, this problem,” ani  Castelo.

Naglagay ang telecommunications provider ng mga channels kung saan maaaring i-report ng mga subscriber ang text spams. Ang mga subscriber ay maaaring mag- report via Globe website sa pamamagitan ng Talk2Globe Chat (http://chat.globe.com.ph);  magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng Globe Contact Form(http://globe.com.ph/talk2Globenow) at sa pag-tweet sa  @Talk2GLOBE sa Twitter. Maaaring ilagay ng mga subscriber ang numero, eksaktong mensahe at ang oras at petsa  na natanggap ang text spam.

About hataw tabloid

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *