Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-ina nalitson sa Cavite

TOSTADO ang mag-ina makaraan ma-trap sa loob ng nasusunog na bahay kahapon ng mada-ling-araw sa Dasmarinas, Cavite.

Magkayakap pa nang matagpuan ang sunog na mga bangkay ng mag-inang sina Susan Reglos, 37, at John Joey, 7, nang maapula ang apoy.

Sa report ng pulisya, nagsimula ang sunog dakong 3 a.m. sa bahay ng mag-ina sa Brgy. Sta. Fe, Dasmarinas, Cavite.

Dahil mahimbing ang tulog ng mag-ina, hindi sila nakalabas ng bahay.

Sa lakas ng apoy at dahil gawa sa light materials, nadamay rin sa sunog ang tatlo pang kabahayan na pag-aari nina Gomerzindo Jacob, Amil Reglos at Ruelito Azar-don.

Inaalam ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa mahigit P2 milyong halaga ng mga ari-arian.

(BETH JULIAN)

MISIS TINANGKANG  SUNUGIN NI MISTER

VIGAN CITY – Sinampahan ng kaso ang mister na nagtangkang sunugin ang sariling misis sa Barbarit, Magsingal, Ilocos Sur kamakalawa.

Kasong paglabag sa RA 9262 o anti-violence againts women and their children act ang isinampa sa suspek na si Roderick Tubera.

Ayon kay SPO1 Florencio Tabbay, imbestigador ng Magsingal PNP, bukod sa tangkang panununog sa misis na si Jonalyn Tubera, overseas Filipino work, binugbog din ni Roderick ang misis.

Una rito, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa dahil sa estado ng kanilang pamilya.

Ikinulong ng mister ang misis sa kanilang kwarto at saka sinilaban ang kanilang mga damit.

Kagyat na lumaki ang apoy at nadamay ang sariling misis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …