NAMAMAYAGPAG rin ang kotong gang sa hanay ng pulisya sa MPD-MTEU na pinamumunuan ni Major Olive Sagasa ‘este mali’ Sagaysay na kumokolektong nang hindi bababa sa P100K kada Linggo mula sa mga illegal terminal ng jeep, UV express at kolorum.
Sabi nga ng mga pulis sa MPD HQ, kung malungkot daw sila ngayon dahil negative ang TARA ‘y TANGGA mula sa illegal gambling, ‘e ang mga taga-MPD MTEU tuloy ang ligaya sa kolektong!?
FYI Major Sagaysay, isang alyas TATA BART KUPAS ‘este’ TUPAS ang nagpapakilalang enkargado/little commander at bagman ng MTEU.
Ang mga kotong cops naman ni bagman Tata Bart ay sina alias PO2 EBANG-LISTA, PO3 LESS-TER at PO3 MI-KAY.
Aba, malakihan rin pala ang intelihensiya na nakokolektong ng tatlong itlog sa mga illegal terminal ng mga jeep sa J.LUNA, DIVISORIA-SOUTH BUENDIA, BLUM-NOVA, TAYUMAN-PRITIL (Tayuman Avenida), Divi-Sangandaan, Divi-MCU/Malanday.
Hindi pa kasama riyan ang kolektong sa mga KOLORUM na UV EXPRESS na biyaheng DIVI-BUENDIA na may illegal terminal din sa J. Luna Divisoria na katabi pa mismo ng MPD PS-11 J.LUNA PCP ni Maj. Cauatan ‘este’ Cabauatan.
S’yempre mas malaki ang TONGPATS depende sa dami ng mga kolorum na PUJ o UV EXPRESS sa bawat illegal terminal. Kaya hindi nakapagtataka na sandamakmak na naman ang kolorum na mga jeep na City Hall-DIVI at Divi-Sangandaan dahil naghahatag sila ng tara sa MTEU.
Idagdag pa riyan ang TARA mula sa mga illegal terminal ng makukulit na tricycle sa Blumentritt-Cavite St.. na ang butaw ay P30 araw-araw. Sa dami naman ng mga pasaway na ‘yan e limpak-limpak na kuwarta pa rin ang nakokolektong d’yan.
MPD DD Gen. Rolando Asuncion, hindi na po ako magtataka kung umaabot nga sa 100k kada linggo ang kolektong ng tatlong (3) itlog ng MTEU.
By the way, iba pa raw ang koleksyon sa centralized na truck escort service sa oras ng truck ban na P2K naman ang hatag.
Tsalap-tsalap naman diyan sa MTEU!!!
Major Olive Sagaysay, may alam ka ba sa kolektong ng mga ‘bata’ mo diyan sa MTEU o nabubukulan ka na nila?
Nagtatanong lang po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com