UPANG makabuo ng malakas na wealth energy sa feng shui money area, ang presensya ng Wood, Water at Earth feng shui element ang kailangan.
Maaaring palamutian ang money area ng:
*Malusog at maberdeng halaman katulad ng money plant, feng shui lucky bamboo, air purifying plant o iba pang halaman na maaa-ring mabuhay sa lighting condition sa erya.
*Water feature, salamin o imahe ng tubig. Maaaring maglagay ng actual fountain sa erya. Ang salamin ay mainam ding feng shui money cure. Maaari ring mag-display ng imahe ng tubig katulad ng water fall, lake, ilog o karagatan. Ti-yakin lamang na malinis ang dumadaloy na tubig.
*Bigyang-diin ang specific shapes sa money area décor. Ang bawat feng shui element ay dapat ma-express sa specific shapes, maaaring mabuo ang kailangang enerhiya sa pama-magitan ng hugis: rectangular (Wood element), square (earth element), wavy (Water element).
*Ang imahe ng kagubatan, park o madahong halaman, punongkahoy, damo, etc. ay magdudulot ng feng shui energy ng Wood element. Maaari rin ang imahe ng natural landscapes na may magandang land formations – sandy beaches, canyons (representasyon ng Earth element)
*Pumili ng best feng shui color sa paglalagay ng palamuti sa money area (sa wall color, fabrics, o décor details). Maaaring pumili sa green, brown, blue, black, earthy/light yellow.
*Palamutian ng mga imahe na representasyon ng energy of wealth and abundance. Maaaring pumili mula sa ano mang moderno (o personal) na representasyon ng wealth, halimbawa, mga taong masaya sa bakasyon sa luxurious yacht o masaganang rich table set para sa malaking party, etc.
*Ikonsidera ang ilang classical Chinese feng shui cures for wealth, tiyakin lamang na totoong gusto mo ang mga ito at bagay sa inyong home décor. Ang halimbawa nito ay feng shui aquarium, Chinese coins, wealth vase, abundant ship, Laughing Buddha, Citrine o Pyrite crystals.
*Panatilihing sariwa ang enerhiya at masigla sa pamamagitan ng paggamit ng scents and aromas, sariwang bulaklak at kandila.
Lady Choi