ni Alex Brosas
ANO ba naman itong si Mark Herras, gusto yatang maging kontrobersiyal at pag-usapan.Recently kasi ay nagtaray siya sa hindi pagbati sa kanya ni James Reid kapag nagkikita sila sa Sunday musical show nila sa GMA-7.
Kaagad namang nag-apologize si James kay Mark and said, ”I’m not so familiar with a lot of showbiz stars, and kind of shy to approach the bigger artists… sorry if I unintentionally offended him.”
Imbiyerna naman ang fans ni James kay Mark kaya nilait-lait nila ito sa social media.
“Hahaha, cnu c mark herras? May napatunayan na b yan sa showbis? Para magdemand ng bati galing kay james reid? Di kayay laos kaya nagcseek ng atensyon.”
“You would know James Reid better if you have watched PBB during his time. He wasn’t mayabang or with attitude. He was really this shy type of guy who is unable to express his feelings. A very quiet type of guy. I believe that Mark Herras is to be blame about this issue. It’s obvious that he is seeking an attention. He wouldn’t have to say that in media if he’s not looking for an issue. Up until now, he is still a Starlet.”
Ilan lang ‘yan sa mataray na comments ng supporters ni James.
Bakit ba parang big deal kay Mark na hindi siya nababati ni James kapag nasa isang studio sila? Bakit parang ang init ng mata niya kay James?
ANO NGA BA ANG RELEVANCE NG PAGIGING BEAUTY QUEEN?
OKAY lang kay Jonas Gaffud, beauty queen maker, na sumali ang mga talunang aspiring beauty contestant sa mga beauty contest hangga’t hindi pa sila nagwawagi.
“Nangyayari rin naman ‘yan sa buong mundo hindi lang sa Philippines. Kunwari may ‘Miss USA’ noong 2008, four times siyang sumali ng ‘Miss Texas’ puro runner-up siya. Finally, nanalo na siyang ‘Miss Texas’. Eventually, nanalo siya ng ‘Miss USA’, then nag-top ten siya sa ‘Miss Universe’. Siguro, ako, ang masasabi ko lang as long as wala silang ginagawang masama, as long as to get to the crown ay malinis lahat, maayos,” paliwanag ni Jonas sa amin sa launching ng kanyang advocacy entitled Project Beautiful You.
Jonas was inspired in his new advocacy dahil na rin sa ilang taon niyang pag-discover ng beauty queens.
“Naisip ko masyadong tinitingala ang beauty queens, ang pageants sa buong bansa. So parang ano ang kanyang relevance sa mga kabataan, sa society. Itong advocacy ko na naisip after doing pageants for 13 years na sana mabigyan ng hustisya ang pag-evolve ng beauty pageants lalo na ngayon. Ano nga ba ang relevance niya? Ginagawan ko siya ng paraan para maging relevant pero hindi lang beauty contest ito, hindi lang about beautiful women. Pero dahil uso ang beauty contest sa Pilipinas ay ‘yun ang aking unang tatargetin.”
Walang kampo-kampo sa Project Beautiful You ni Jonas. Lahat ng beauty queens na gustong mag-join ay welcome.
Among his project for this ay ang pagbibigay ng talk about proper make-up, proper posture and many others. Mayroon ding online community, ang ww.projectbeautifulyou.com na bukas na para sa gustong sumali.