Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Musical show na Priscilla, pang-world class

ni  Danny Vibas

BADING na bading ang kuya ni Sam Concepcion na si Red Concepcion.

Bading na bading siya bilang isa sa pangunahing bituin ng musical na Priscilla (Queen of the Desert) na itinatanghal na sa Newport Theater ng Resorts World Manila (na nasa Pasay City).

Mas pinag-uusapan sa ngayon ang performance ni Red bilang umaatikabo at mataray na bading kaysa kina Leo Valdez at Jon Santos na mga beki rin ang role.

Pero ang isa pang factor kaya si Red ang mas pinag-uusapan ay dahil marami pa pala ang ‘di nakakakilala sa kuya ni Sam. Akala nila ay bagong stage actor lang siya.

May ilang taon na ring stage actor si Red. In fact, nagbida na rin siya sa Equus na naghubo’t hubad siya. Ganoon ka-professional na aktor si Red.

Bago sa Priscilla, huli naming napanood si Red sa musical na Rivalry, na kasama rin n’yang gumanap ang ama nilang aktor na si Richard Concepcion. (Actually, stage actress din noon ang ina nina Red at Sam na si Julie, bagamat di kami nagkaroon ng pagkakataon na mapanood siya.)

Ang Rivalry ay tungkol sa pagiging magkaribal ng Ateneo at La Salle noong 1960s. Likha ni Ed Gatchalian ang musika nito, at sa Meralco Theater ito ipinalabas last year and the other year.

Kahit maskulado si Red (na ‘di naman matangkad), beking-beki siya sa mga mini-skirt n’ya at sa iba pa n’yang makukulay na outfit.

Fabulous na fabulous ang Priscilla in all its aspects. World-class ang quality nito. Baka nga mas maganda pa ang pagka-produce nito kaysa stage productions sa ibang bansa.

May ticket sa show na tig- P1, 200 lang. Kasing presyo lang ‘yan ng mga tiket sa concert nina Anne Curtis, Daniel Padilla, at Vice Ganda. Call kayo sa Ticketworldpara sa iskedyul ng pagtatanghal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …