Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nabuntis ng may asawa bebot nag-suicide

MALAMIG nang bangkay nang iahon mula sa ilog ang isang 28-anyos babae kamakalawa makaraan iwanan ng nobyong may asawa na nakabuntis sa kanya sa Plaridel, Bulacan.

Kinilala ang biktimang si Karen Batalla, 28, residente ng Brgy. Bañga 1st, sa bayan ng Plaridel, Bulacan.

Sa ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na kausap ang isang kaibigang babae at ipinagtapat na siya ay ilang buwan nang buntis dahil sa pakikipagrelasyon sa lala-king may asawa at nasa abroad ngayon.

Nagpahiwatig din ang biktima na magpapakamatay dahil sa kahihiyan ngunit pinayuhan ng kanyang kaibi-gang babae na magpakata-tag at palakihin nang ma-ayos ang kanyang magiging anak.

Ngunit pagkaraan ay natagpuan ang bangkay ng biktima na lumulutang sa bahagi ng Angat River malapit sa kanilang bahay.

Hindi pa rin isinasara ng pulisya ang isinasagawang imbestigayon sa pagpapakamatay ng biktima upang matiyak na hindi ito isang kaso ng foul play.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …