ni John Fontanilla
MAITUTURING na isa si Nora Aunor sa pinakaabalang aktres ngayon dahil may apat siyang pelikulang ginawa ngayong taon.
Nariyan ang Hustisya, kabiutin sina Rosanna Roces, Sunshine Dizon, Jeric Gonzales, Rocco Nacino, Chynna Ortaleza, Gardo Versoza, Jim Pebanco, Tony Mabesa, John Rendez, Sue Prado, at Romnick Sarmenta; Padre De Familia with Coco Martin; Silbato (Whistleblower); at Dementia.
Ayon nga kay Ate Guy, mas busy siya sa paggawa ng pelikula na mas gusto naman niyang gawin kompara sa teleserye na aniya ay mas maraming oras ang kinakain.
BATCHMATES, DUMAAN SA RIGID TRAINING NG PAGKANTA AT PAGSAYAW
MULA sa iba‘t ibang grupo ang miyembro ng bagong tatag na Batchmates ni kaibigang Lito De Guzman. Ito ay kinabibilangan nina Vassy mula sa Baywalk; Aura mula sa Mocha Girls;Sophy at Marie mula sa Chikababes; at Cath na galing naman sa banda. Lahat sila’y magaling kumanta at sumayaw.
One year daw ang ginugol ng Batchmates para mag-train sa pagkanta at pagsasayaw bago sila inilabas kasabay ng kanilang kauna-unahang album under Poly East Records na kinapapalooban ng mga awiting Feel Like Dance, Boom Para Boom, Di Na Mahal, Giling”, at Hora, composed by Kazuhiro Watanabe and Blanktape.
Bukod sa promo ng kanilang album, regular silang napapanood sa lahat ng Padi’s Point outlets in Metro Manila. Ayon nga sa Padi’s Point marketing manager na si Paulo Dela Cruz, happy siya sa rami ng mga positive feedback from all their customers. ”Talagang napapasaya nila ang mga tao sa galing nilang kumanta at sumayaw at dahil sa kaseksihan nila.”