CAUAYAN CITY, Isabela-Arestado ang isang lalaki makaraang masamsaman ng ipinagbabawal na droga ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station, iniulat kahapon.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Jonar Bala,37-anyos, may-asawa, driver at residente ng Nungnungan 1, Cauayan City.
Nasamsam kay Balas ang bag na naglalaman ng 2 sachet ng shabu at 7 heat sealed plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang disposable lighter, P500.00 marked money at 1 cellphone.
Nadakip ang suspek habang naghihintay ng kanyang buyer sa Prenza Highway, Cauayan City.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com