Tuesday , December 24 2024

Imbudo ng traffic sa Sucat road, dahil sa inutil na bagong traffic lights!

00 Bulabugin JSY

‘YAN po ang problema ng commuters at mga motorista sa Parañaque City lalo na po sa mga taga-Multinational Village dahil sa perhuwisyong TRAFFIC LIGHTS.

Opo, ang tatlong traffic lights ay hindi nakatutulong sa pag-igi ng daloy ng mga sasakyan sa nasabing area kundi nagiging sanhi pa ng BOTTLE NECK (IMBUDO) ng trapiko.

Ang unang traffic light nakapwesto sa kanto ng Multinational at Sucat Road; ang ikalawa, sa harap ng Duty Free Phils.; at ang ikatlo ay sa kanto ng Sucat Road at Brgy. Sto. Niño.

‘Yan 3 traffic lights na ‘yan ay hindi po nagkakalayo.

Wala sanang problema kung synchronized o magkakaayon sa kanilang function ang tatlong traffic light.

Ang siste hindi nga synchronized kaya ‘yung mga lumalabas sa Multinational at galing sa Sucat ay inaabot nang siyam-siyam.

Kapag nakalabas naman sa Sucat Road maiipit na naman dahil hindi naka-go ‘yung sa Sto Niño.

Kaya talagang hindi nakatutulong ‘yang tatlong traffic lights na ‘yan.

Ang ipinagtataka pa nga natin, bakit ganyan kasinsin at kasudsod ang traffic lights sa area na ‘yan?!

Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman, Atty. Francis Tolentino, Sir, kanino pa dapat ireklamo ang traffic lights na ‘yan?

Marami na po ang nagrereklamo pero mukhang DEADMA lang ang  mga awtoridad.

Mayor EDWIN OLIVAREZ, makikisuyo na po sa inyo, paki-CHECK ang tatlong traffic lights na ‘yan d’yan sa area na ‘yan.

MOTHERS ARE VERY SPECIAL TO US

HAPPY mother’s day po sa lahat!

Binabati ko po ang lahat  ng mga NANAY, lalo na ‘yung mga single mom, na nanay at tatay sa kanilang mga anak.

Ganoon din sa mga single parent (including Dads) na nagsisilbi rin tatay at nanay sa kanilang mga anak.

Sa mga surrogate mothers na nagsisilbing ina sa mga anak na walang nakagisnang magulang …

Espesyal na araw po ito sa inyong lahat.

Sa lahat naman ng mga anak, mahalin po natin ang ating mga magulang hangga’t buhay pa sila, lalo na ang ating mga ina na siyang nagluwal sa atin sa mundo.

Isang makabuluhang araw po sa lahat ng mga Nanay!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *