Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Demoralisasyon sa Port of Cebu

LAGANAP ang DEMORALISASYON sa Port of Cebu ng Bureau of Customs dahil sa malaking posibilidad na MASIBAK sa kanilang trabaho ang 20 Customs examiners at appraisers sa pangu-nguna ng kanilang bagong hepe sa Assessment Division kaugnay sa kanilang pagkasabit sa libo-libong sakong PARATING na bigas na walang import permit.

Ito marahil ang dahilan kung bakit tila napabilis ang pagpanaw ng isa sa inimbestigahang customs examiner nitong nakaraang Mayo 6 lamang.

Kasabay sa demoralisasyong ito ang PAGSEMPLANG ng koleksyon ng Port of Cebu at “short” ng P43-milyon sa itinokang target na mahigit isang bilyong piso o P1,097,936,000 sa nakaraang buwan ng Abril. Sina Collection division and assessment division chief Conrado “Radi” Abarintos at ang 19 na customs examiners at appraisers ay NAGHIHINTAY na lang sa resulta ng kanilang imbestigasyon na isinagawa ng isang team of investigators na pinadala mismo ni Customs Commissioner John Philip Sevilla.

“I am filing a complaint of grave misconduct and neglect in performance of duty,” ani Customs Commissioner Sunny Sevilla sa kanyang letter-complaint sa BoC Investigation Division na may petsang March 5, 2014. LIMANG (5) consignees, dalawa sa kanila ay may kaugnayan sa suspected bigtime rice smuggler Davidson Ba-ngayan, alyas David Tan.

Ito ang mga Starcraft International Trading at ang Silent Royalty Marketing. Ang tatlo pang consignees ay Medagha de Oro Trading, Bold Bidder Marketing and General Merchandise, at ang Intercontinental Grains International Trading, Inc.

Tanging sina Customs appraisers Deodata Tinapay – Montejo at Arnoldo Pamor ang hindi naimbestigahan dahil wala silang pinirmahan na anomang dokumento ng rice shipment na walang import permit.

Kaya siguro LAGING NAKASIMANGOT nga-yon si Abarintos na itinalaga ng retired military gene-ral at bagong hirang na district collector Roberto T. Almadin bilang hepe rin ng Assessment Division, kasabay sa kanyang pagiging hepe sa Cash Collection Division.

Abangan  na  lang  natin  ang  susunod  na kabanata!

Junex Doronio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Junex Doronio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …