Wednesday , November 6 2024

Secretary Proceso Alcala hindi mo pa ramdam na parang pinagre-resign ka na?

00 Bulabugin JSY

MUKHANG naliliitan sa kapasidad ni Secretary Proceso Alcala na raw ang Palasyo.

‘Yan po ang naririnig nating usapan sa mga malalapit sa Palasyo.

Kaya raw sa wakas ay itinalaga na si dating Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan bilang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization na ang kapasidad ay Gabinete.

Hindi kaya naaalibadbaran si Secretary Alcala sa ganyang set-up ng Palasyo?

Sandamakmak na ang tao ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang Gabinete …pero hindi ‘technocrat’ ang kapasidad.

Unlike noong panahon ni Marcos na ang mga tao sa Gabinete ‘e talagang countrywide and globalwide mag-isip.

‘E kung tutuusin nga  wala nang kahirap-hirap ang mga sumunod na Presidente ng bansa dahil ang ginagamit nilang BLUE PRINT at centrepiece program ‘e ‘yung kay dating Pangulong Marcos pa rin.

Ang gusto kong abangan ‘e ‘yung kung ano ang mukha ng food security program at agricultural modernization ni Secretary kornik este Kiko.

Alam kaya ni Secretary Kiko na intensified ang kampanya kontra Monsanto lalo sa Latin at South America?

Ang kompanyang Monsanto ang nagpasimuno ng iba’t ibang eksperimento sa pagko-CLONE ng iba’t ibang agricultural products na sa kalaunan ay natuklasan na may malaking epekto sa kalusugan ng mamamayan.

‘E Secretary Kiko, huwag mo nang dadalhin ang agricultural technology ng Monsant0 sa Pinas kasi ibinasabasura na ‘yan sa Latin at South America.

Sana alamin mo rin kung ano ang mukha ng MONSANTO sa Philippines my Philippines baka nasa tabi-tabi na lang natin ‘yan.

‘E how about you, Secretary Alcala, ano pa kaya ang magiging epal ‘este’ papel mo sa Gabinete ni PNoy?

Sa palagay mo ba ‘e may papel ka pa riyan?

Parang nakikita na natin ang nalalapit ninyong pagbabalot-balot.

Aabangan po natin ‘yan.

BABALA NG NBI SA MOUNTAINEERS: HUWAG MUNANG UMAKYAT SA MT. MACULOT, CUENCA, BATANGAS

PINAG-IINGAT at mahigpit na nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga mountaineer na huwag munang umakyat sa Mt. Maculot, Cuenca, Batangas.

Ito po ay kaugnay ng kahina-hinalang pagkamatay ng mountaineer na si Victor Joel Ayson noong Abril 2013.

Sa patuloy na pag-iimbestiga ng mga operatiba ng NBI sa nasabing insidente natuklasan nila na si Ayson ay hindi nahulog kundi sinadyang pinatay. At ang mga hinihinalang kriminal ay gumagala pa rin sa nasabing area.

Sa mga ulat ng mga naunang imbestigasyon sinabing nahulog si Ayson mula sa tuktok ng Maculot. Pero hindi kombinsido ang pamilya Ayson kaya’t muli silang humiling ng panibagong imbestigasyon sa NBI.

Sa muling pag-iimbestiga ng NBI sa pamumuno ni Head Agent SIXTO O. COMIA at mga kasapi ng Environment and Wildlife Protection Division kasama ang mga mountaineer, lumalabas na si Ayson ay pinaslang at ninakawan ng mga salarin batay sa mga nakalap na ebidensya.

Kaya habang tinutukoy pa nila ang tunay na suspek o mga suspek, nagbabala si Comia sa mountaineers na huwag munang akyatin ang bundok ng Maculot.

Sa ginagawang pagsisikap ng NBI at ng iba pang grupo, naniniwala ang ama ng biktima na magkakaroon ng katarungan ang pagpaslang at lalabas na ang tunay na pangyayari sa likod ng pagkamatay ng kanyang anak na si Victor.

Napag-alaman natin na naging mahusay ang ginawang imbestigasyon nina Head Agent Comia, una dahil siya ay taal na taga-Cuenca, Batangas. At ikalawa ay isa siyang tunay na mountaineer (true blooded kumbaga).

Ala ‘e … pamangkin pa pala ni dating Mayor Tito Comia.

Ibig sabihin lang na kabisado ni Head Agent Comia ang terrain ng Mt. Maculot kaya sadyang maso-solve nga nila ang kaso. Sa pagbibigay nga naman ng assignment importante ang basic knowledge o pamilyarisasyon ng imbestigador o grupo ng imbestigador sa lugar o insidenteng kanilang iimbestigahan.

Sa grupo ni NBI Head Agent Comia, sa Environment and Wildlife Protection Division (na tumutugis sa mga illegal miners) at volunteers/mountaineers … KUDOS!

GERMAN FIXER I-BAN NA AGAD SA IMMIGRATION!

ISANG ungas na German national na nagngangalang ALFRED LEHNERT ang dapat i-BAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Fred Mison sa pagpasok sa BI main office at huwag payagang makapagproseso ng kanyang mga transaksyon.

Ang nasabing German ‘hotdog,’ kailan lang ay nagpa-interview sa telebisyon at walang tigil na naglalabas ng kanyang mga walang basehang reklamo sa ilang opisyal ng Immigration sa pamamagitan ng paggamit sa ilang social media sites gaya ng facebook, twitter at maging sa youtube.

Napakarami na rin empleyado ng Bureau ang ipinahamak at pinerhuwisyo ng banyagang malatuba kapag hindi napagbigyan ang kanyang gusto, bigla na lang idedemanda o irereklamo ang pobreng BI employee.

Since kilala rin ang FIXER sa BI main office at wala naman accreditation permit para mag-transact sa BI, karapat-dapat lang na ituring na “persona non-grata” at huwag pabayaang makapaghari-harian sa ating bansa.

Commissioner Fred Mison, paki-BAN na ‘yang bwisit at sira-ulong Aleman!!!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *