Wednesday , November 6 2024

Inareglong piyesa ni Napoles ilabas na

NOONG nakaraang Sabado, Mayo 3, 2014, habang tumatakbo ako – trail running sa ilang kabundukan ng lalawigan ng Rizal, nakilala ko ang isang chief prosecutor, tumatakbo rin siya. Simple tao lang si hepe, hindi mo nga akalain na sa kanyang panlabas ay isa pala siyang hepe ng mga piskal. Okey siyang kasama sa pagtakbo. Malakas din manakbo pero ang laro niya talaga sa bisikleta – mountain bike ang gamit niya.

Habang kami ay tumatakbo, matapos na magpakilala sa isa’t isa – natanong ko sa kanya kung ano’ng masasabi niya sa ginawang “pag-corner” ni Justice Sec. Leila De Lima kay Janet Napoles, reyna ng pork barrel scam, sa Ospital ng Makati kamakailan.

Anang piskal, puwede naman daw iyong ginawa ni De Lima – legal naman daw. Ngunit, nang tanungin ko kung may posibilidad ba na may nangyari “panliligaw”  kay  Napoles  para kumanta. Iyong bang —nag-offer si De Lima ng magagandang kung ano-ano kay Napoles para kumanta. Iyong bang …nando’n ‘yung panliligaw na gawin siyang  state witness basta’t  kumanta lang … iyon bang maaaring sabihin … kita mo iyong mga mambabatas na sangkot at nakinabang ay hindi daw siya (Napoles) kilala.

Iyong mga ganoon ba na pang-e-engganyo.

Ang sabi ni piskal, no comment siya pero aniya puwedeng mangyari ang mga ganoon na pang-enganyo para makuha ang kalooban ni Napoles pero aniya hinggil kay De Lima ay ayaw niyang magkomento kung ginawa man ito ni De Lima.

Pero aniya, ang  dapat  ay maisapubliko ang statement ni Napoles lalo na iyong sinasabing listahan ng mga idinawit ni Napoles dahil habang ito ay “sekreto” kawawa naman ang mga mambabatas na wala sa talaan dahil maging sila ay nagiging masama na sa mata ng publiko.

Kunsabagay may punto naman si De Lima na pansamanatalang itago ang nilalaman ng salaysay ni Napoles dahil pag-aaralan muna ito lalo na’t titimbangin ang kredibilidad na mayroon si Napoles ngayon.

Pero mas maganda daw sana kung mailabas na ang lahat para hindi na maghinala ng kung ano-ano ang publiko.

Salamat piskal, sa ulitin na pagtakbo ha.

***

At heto nga, sabi ng mga doktor naman na sumuri at nag-opera kay Napoles, puwedeng-puwede na raw umuwi si Napoles sa “bahay”  ni Kuyang PNoy sa Laguna lamang, humirit ang kampo ni Napoles na huwag daw muna para makatipid nang malaki ang pamahalaan sa gastusin lalo na ang pagbibiyahe kay Napoles. Metro Manila to Laguna – vice versa.

Aba’y mukhang concern na yata si Napoles sa paggamit sa kaban ng bayan. Ha… ha… ha… sarap na nga ng buhay ni Napoles sa Laguna, ayaw pa niyang bumalik doon. E di kung ayaw bumalik, ilipat na lamang siya sa Makati City Jail para mas malapit kapag ipinatawag siya uli sa Senado o sa Korte. Tipid na tipid pa.

Ngayon ilan linggo na ang nakalilipas simula nang kumanta si Napoles kay De Lima, hanggang ngayon ay nakatago pa ang inareglong piyesa ni Napoles.

Dahil nga rito, daming haka-haka – kaysa malaman na may mga dawit na kaalyado ni PNoy kaya hindi ito inilalabas ni De Lima.

Mismong si Senator Jinggoy Estrada, isa sa akusado sa pork barrel scam ay duda sa pagtatago sa “kanta” ni Napoles. Pero nilinaw ni Delima na hindi naman daw niya pinakikialaman ang ina-reglong piyesa ni Napoles.

Ganoon naman pala madame, e ba’t hindi mailabas-labas iyan sa publiko? Samantala kapag hindi kaalyado ay no gathering of more evidence ang nangyari at sa halip ay ngaw-ngaw nang ngaw-ngaw kayo.

Si Sen. Bong Revilla, isa sa akusado ay duda na rin, lalo na sa katauhan ni Sen. Guigona. Kaya hinahamon niya ang mama na ipatawag uli si Napoles at maging si De Lima sa Senado. Buksan uli ang imbestigasyon para sa pork barrel scam para mag-kalaman na – lalo na ang nilalaman ng bagong listahan.

Ano nga ba talaga ang dahilan ng mga pananahimik nina Guingona at De Lima? Dahil ba may mga sangkot na kaalyado nila sa listahan ni Napoles? Hindi naman siguro kundi — naglilikom pa sila ng ebidensiya. Ewan! Ang sabi ng marami.

Basta, ang masasabi ko lang ay malapit na  ang 2016 elections.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *