Wednesday , November 6 2024

Nabuhay ang Anti-Dynasty Law!

Be joyful always; pray continually; give thanks in all circumstances, for this is God’s will for you in Christ Jesus. — 1Thessalonians 5:16-18

MULING binuhay ang usapin ukol sa Anti-Political Dynasty Law kahapon sa Kamara.

Tumayo sa session hall si Capiz Representative Fredenil Castro at inisponsoran ang binalangkas na bersyon ng Anti-Dynasty Law. Sinegundahan naman ito ni Caloocan City Rep. Egay Erice na pabor din na maipasa na ang batas laban dito.

Very good!

***

ITO’Y matapos pinal na inaprubahan ni Rep. Castro, na siya rin Chairman ng Committee on Suffrage and Electoral Reform ang Committee Report No. 19 mula sa mga substitutes bill na House Bills No. 172, 837 at 2911 o mas kilala bilang Anti-Political Dynasty Act of 2013.

Ang mga awtor ng bill ay sina Reps. Carlos Zarate, Neri Colmenares ng Bayan Muna party-list, Gabriela Rep. Luz Ilagan, Rep. Erlinda Santiago ng 1-Sagip partylist at Pampanga Rep. Oscar Rodriguez.

KAY MAYOR LIM

NAGSIMULA ANG LAHAT

PABOR tayo d’yan mga kabarangay dahil matagal na itong isinulong ng noo’y Senador Alfedo Lim sa Senado.

Si Mayor Lim ang naghain ng unang batas sa Senado na nagbabawal sa mga asawa, anak, kapatid o hanggang 3rd degree of consanguinity and affinity na pumasok sa politika habang nakaupo ang kanilang kaanak sa puwesto.

***

MATUTUWA dito si Mayor Lim, dahil ang kanyang Senate Bill No. 1317 o Anti-Political Dynasty Law na ipinasok sa13th Congress First Regular Session noong July 5, 2004 ay hinarang ng kapwa Senador na direktang tinamaan ng kanyang kontrobersyal na batas.

Paano ba naman, wala naman anak o kaanak si Mayor Lim na kahalintulad ng mga politiko na sumusunod sa kanilang yapak. Masyado kasing sugapa sa political power ang mga ganitong klaseng politiko at hindi nabibigyan ng tsansa ang ibang personalidad na nais din maglingkod sa bayan.

***

SA takbo kasi ng politika sa ating bansa nga-yon, halos kopo ng iisang angkan ang kapangyarihan sa gobyerno, nariyan ang Ama ay Ma-yor, samantala ang anak ay Vice Mayor, kapatid ay Gobernador o dili kaya Congressman ang anak, Gobernador naman ang Ina, o magkasama sa Senado ang Ina at anak.

Sa naturang batas, matutuldukan na ang katakawan sa posisyon ng iisang angkan. Hindi na uubra ang ganitong mga sistema na okupado nila ang lahat ng puwesto sa gobyerno.

Hindi ba mga kabarangay?!

SA totoo lang mga kabarangay, kung naipasa lamang ang naturang batas noon ni Mayor Lim sa Senado, pati na ang ipinanukalang abo-lisyon sa Pork Barrel (Senate Bill No. 2618), hindi ba’t wala na sana magaganap na pagna-nakaw sa kaban ng bayan ng iilang pamilya?

Hindi na sana nagkanda-leche leche ang buhay ng maraming Filipino. Nailaan sana ang P10 bilyon sa maraming nagdarahop na mamamayan ng bansa at hindi sa iilang personalidad.

Nakapanghihinayang talaga, hindi ba Mayor Lim?!

MAYOR, PINATALSIK

NG KORTE SUPREMA

PINATALSIK sa puwesto ng Korte Suprema ang Mayor ng South Ubian, Tawi-Tawi na si Gamal S. Hayudin makaraang matuklasan hindi naman residente sa nasabing bayan.

Kinatigan ng SC ang naunang desisyon ng Comelec na nagbabasura sa kanyang kandidatura

***

IPINALABAS ng SC ang kanilang desisyon sa publiko nitong May 5, 2014 sa kabila na ma-tagal na nilang nabalangkas ang kaso noon pang Oktubre 2013 na isinampa naman ng isang Mus-tapha J. Omar sampung araw matapos magsumite ng CoC sa Comelec.

Ayon na rin sa SC, nilabag ni Hayudin ang Omnibus Election Code nang magsumite  ng certificate of candidacy (CoC) nang mapatuna-yang hindi siya residente sa nasabing bayan.

***

NAKAUPO na si Hayudin sa city hall, makaraang ideklarang nagwagi sa halalan noong May 13, 2013.

Pero sa En Banc desisyon ng SC, natuklasang inbalido ang kanyang CoC dahil sa lack of residency.

Well, who’s next SC Justices?!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355.  Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *