Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cat is out of the bag

KUNSABAGY hindi na bago sa pandinig ng madlang pipol ang ukol sa mga kargamento na undervalued o dili kaya misdeclared, dalawang violations sa customs and ta-riff code na hindi maihinto-hinto.

Simple lang kung bakit hindi maihinto. Ito kasi ang source ng malakihang tara  para sa mga personnel ng customs mula sa mga player na na salinglahi na pero nariyan pa rin sila. Marahil ang katwiran ng mga gurang na mga player sa customs ay “They (palace appointees) come and go, we remain. Lie low kapag mahigpit, balik-palusot kapag hindi nakatingin si Commissioner Sevilla o kaya ng kanyang dalawang deputy – isa sa pulis at isa sa intelligence.

Talagang tinambakan, ‘ika nga ng mga RETIRADONG HENERAL ng ARMED FORCES ang Bureau kahit wala silang background sa assessment or other sensitive matters. Mga Knights kaya sila in Shining Armor? Hindi kaya sila incorruptible? Ito ang mga tanong na mahirap mabigyan nang tuwirang sagot.

Kung ang dahilan ng pagtatalaga sa mga retired general ng AFP ay upang pati ang mga kurakot na taga-bureau, malayo itong mangyari basta. Maraming tumanda sa mga opisyal ng customs, marami sa kalokohan. Makikita naman sa lifestyle nila. Ang marami sa kanila dumating sa bureau naka-tsinelas lang at commuter. Hindi nagtagal at mga de-kotse na sila o kaya van na saksakan nang mamahal.

“It is the system.” Stupid ‘ika nga ng isang dating president ng Amerika. Hanggang ang corrupt and rotten system ay in place and in ope-ration tuloy-tuloy ang corruption, kahit pa guerilla operations. Hangang may gustong tumabo sa taga-bureau tuloy pa rin ang guerilla operations.

Kasabihan nga sa customs, hangang may tubig sa paligid ng customs tuloy pa rin ang corruption.

Kunsabagay, napahinto kahit papaano ang shameful act tulad ng paggamit ng bench marking system na sinagad todo-todo ang value bawat container van. Hindi na ginagamit ang TCCP, tara system na lang. Okay ang campaign laban sa tara system, pero malayo pa rin ang lalakbayin. Marahil tapos na ang termino ni PNoy nandiyan pa rin ang rotten system. Ituloy na lang sana ang paghabol sa mga tagong yaman ng mga kurakotero sa bureau.

Sang-ayon sa natuklasan ng bureau leadership, nine out of ten import shipments  either undervalued or misdeclared. Kaya naman mahirap ma-attain ang ASSIGNED REVENUE TARGET. Marahil ang ilulunsad na pre-shipment ins-pection, ang mga kargamento will be examined from the port of loading abroad gastos ng mga importer  para makabawas ng corruption. Nari-yan pa rin ang ilulunsad na l00 percent paperless transaction na wala nang human intervention, isa pa rin deterrent ito. Good luck na lang kay Commissioner Sevilla.

‘Yun nga lang mga transient sila.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …