ANG feng shui ng art sa bahay o opisina ay paksa na magandang talakayin. Sa pamamagitan ng mga kulay at hugis, ang good art bilang feng shui cure ay nagdudulot ng best feng shui energy na kailangan sa lugar.
Kapag sinabing “feng shui art,” hindi ibig sabihin na ito ay dapat na Asian calligraphy o art na may specific feng shui cures, katulad ng chimes, crystals, Chinese symbols, etc.
Ang best feng shui art ay ang art na nagdudulot ng masiglang kalidad ng enerhiya at nagpapasigla ng inyong personal energy.
Ang best feng shui art ay art din na may specific colors, shapes at images na magpapalakas sa feng shui element ng specific feng shui bagua sa inyong bahay.
Maraming sources ng beautiful art para sa bahay, mula sa creative Ikea decor solutions hanggang sa expensive art galleries. Gayunman, nasuri n’yo na ba ang art ng inyong mga anak bilang source ng good feng shui home decorating?
Ang children’s art ay kadalasang punong-puno ng creativity, inspiration at unique vibrant energy. Pumipili ang mga bata ng boldest colors, images at outrageous shape combinations.
Ilagay sa frame ang art ng inyong mga anak at hanapin ang best feng shui area na maaaring paglag-yan nito sa inyong bahay o opisina.
Ang West/Creativity and Children area ay good spot para sa pag-display ng children’s art, ngunit maaari itong ilagay saan mang lugar ng inyong bahay hangga’t susundin ang basic bagua guidelines para sa feng shui elements and colors.
Halimbawa, kailangan na iwasan ang strong fiery ima-ges sa East area o strong water images sa South. Kapag naging pamilyar na sa basic interplay ng five feng shui elements, magi-ging wala nang limitas-yon sa pagbubuo ng happy feng shui vibes sa inyong bahay sa pamama-gitan ng children’s art.
Lady Choi