Friday , November 22 2024

Tawi-tawi mayor pinatalsik ng SC

TINANGGAL sa puwesto ng Korte Suprema ang  iprinoklamang alkalde na si Gamal S. Hayudini ng  South Ubian, Tawi-Tawi.

Sa en banc ruling  ng Supreme Court (SC) na ipinalabas nitong May 5,  kinatigan ang decision ng Commission on Elections (Comelec) na nagbabasura sa certificate of candidacy (CoC) ng nasabing kandidato na nanalo sa mayoralty election noong May 13, 2013.

Ayon sa SC,  hindi nagkamali ang Comelec nang ideklarang hindi residente sa lugar si Hayudini nang siya ay kumandidato bilang alkalde.

Noong October 5, 2012, naghain si Hayudini  ng  CoC  para sa alkalde  sa  Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sampuang araw makaraan, nagsumite ng  petition si Mustapha J. Omar na naglalayong kanselahin ang kandidatura ni Hayudini.

Sa nasabing election, nagwagi si Hayudini  at agad na iprinoklama bilang nanalong alkalde, saka nanumpa sa puwesto.

Pero sa naging ruling ng Comelec Second Division noong June 20, 2013, pinagbigyan ang petition ni Omar dahil napatunayang hindi naninirahan sa South Ubian, Tawi-tawi si Hayudini.

Inapela ni Hayudini ang desisyon sa Comelec En Banc ngunit hindi siya pinaburan, kaya inakyat niya sa Katas-taasang Hukuman ang isyu.

“The Comelec Resolutions dated June 20, 2013 and July 10, 2013 are hereby affirmed. No pronouncement as to costs,” ayon sa desisyon ng  SC.

Ayon sa SC,  linabag ni Hayudini ang  Omnibus Election Code, nang kanyang ideklara sa CoC niya na siya ay residente sa South Ubian.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *