Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay, 1 sugatan sa truck vs motorbike

LEGAZPI CITY – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang magkaibigan na sakay ng motorsiklo makaraang bumangga sa isang truck sa Maharlika highway ng Brgy. Paulog, Ligao City kamakalawa.

Ang mga biktimang namatay ay kinilalang sina Marlon Pillarda y Sergio, 34, at Jason Novelo y Diaz, 28, kapwa agad binawian ng buhay sa insidente. Habang kritikal sa ospital ang isa pa nilang kasama na si Jeorge de la Cruz y Pantoja, mga residente ng Brgy. Mauraro, Guinobatan, Albay.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng mga biktima ang daan pabalik sa kanilang lugar nang mag-overtake ito sa isa pang sasakyan ngunit bumangga sa kasalubong na truck na minamaneho ni Gil Doctor y Kalaw, 29, ng Brgy. Cabid-an, Sorsogon City.

Hindi nasugatan ang driver ng truck ngunit halos madurog din ang sasakyan dahil sa malakas na impact ng banggaan.

Sa ngayon, nananatili sa Ligao City Police Station ang suspek habang iniimbestigahan.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …