TINATAYANG P2.7-milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cadiz City, Negros Occidental.
Sa ulat na ipinaabot kay PDEA Dir. Gen. Arturo Cacdac, Jr., nakuha ang nasabing epektos sa nahuling suspek na kinilalang si Jonathan Badilles, na nakuhaan ng halos kalahating kilong shabu.
Nakatakas ang kasabwat ni Badilles na kinilala ng mga awtoridad sa pangalang Ferd Reylan Maharujon.
Samantala, arestado sa lalawigan ng Sultan Kudarat ang negosyanteng isa rin drug pusher na kabilang sa target listed drug personality ng PDEA.
Sa entrapment operation sa Barangay Saliao sa bayan ng Esperanza, 10 gramo ng shabu ang nakuha mula kay Raquel Delna, at nakompiska mula sa kanya ang limang rifle grenade, M-14 sniper riffle magazine assembly na may 17 bala, dalawang sub-machine gun at .9mm pistol na kargado ng mga bala.
Nakompirmang miyembro ng Al Khobar armed group si Delna na nasa likod ng pangiingikil, pambobomba at pagsunog sa mga binibiktimang kompanya.
Nakatakdang sampahan ang dalawang suspek ng paglabag sa section 12 at 15 Article 2 ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act) at Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) si Delna.