PINAYAGAN ng Sandiganbayan na madala si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa St. Lukes Medical Center para sumailalim sa ilang pagsusuri.
Ayon sa abogado ni Arroyo na si Atty. Medesto Ticman, ngayong araw sana ang nais nilang schedule ngunit napag-alaman ng anti-graft court na sarado ang pagamutan sa nasabing araw kaya pinaaga ang nasabing check-up.
Kaugnay nito, agad inatasan ng korte ang mga nagbabantay kay Arroyo na bumalangkas ng security plan para sa dating presidente.
Ang Pampanga solon ay sumailalim sa urodynamic test na sinasabing wala sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Si Arroyo ay naka-hospital arrest dahil sa mga kasong plunder at election related issues.