ISANG bangkay ang natagpuang lumulutang sa Pasig River, na pinaniniwalaang tauhan ng Philippine Red Cross, sa Port Area, Maynila, iniulat kahapon.
Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, kinilala sa pamamagitan ng nakitang ID ang biktimang si Joel Taño, nasa edad 40-45 anyos.
Sa report, nakita sa bulsa ng biktima ang isang ID ng Red Cross, nakitang lumulutang dakong 4:00 p.m. sa ilalim ng Delpan Bridge.
Nakita ng barangay tanod na si Norberto Silvestre ang lumulutang na bangkay at sa tulong ng isang basurero kanilang iniahon ang biktima.
Ang bangkay ni Taño na maraming tattoo ay pansamantalang inilagak sa Saint Rich Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.
(leonard basilio, Camille I. Bolos, Nikki-Ann Q. Cabalquinto, Antonio C. Maaghop jr., Bhenhor M. Tecson, Lara Liza M. Singson)