Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

12 sugatan sa bumaliktad na truck

ZAMBOANGA CITY – Su-gatan ang 12 katao maka-raan bumaliktad ang isang cargo truck sa highway ng Sitio Manganese, Brgy. Ca-nupong sa bayan ng Gutalac, Zamboanga del Norte.

Sa report mula sa Police Regional Office (PRO-9), nangyari ang insidente dakong 6 a.m. kahapon nang nawalan ng preno ang na-sabing truck lulan ang humi-git kumulang sa 20 katao.

Nabatid na nanggaling ang truck sa Dipolog City at papunta sana sa bayan ng Baliguian sa naturang lalawigan.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Rene Malinao Flores, 30; Ernesto Beahe Mudya, 48; Bobby Lantaca Pabellori, 50; Junior Mudja, 44; Roberto Bangue, 64; Soleta Bangue, 51; Marry Ann Bangue, 20, at ang mga binatilyong sina Andrew Junsay Gapon, 17; Jayford Mudja, 17; Ringo Bangue, 16, at Leonardo Sorem, 15.

Kabilang din sa mga sugatan ang truck driver na si Marlon Oyog, 40.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagkaroon ng mechanical problem ang truck kaya nawalan ng preno.

Ginagamot ang mga biktima sa Liloy Integrated Hospital at Labason Rural Health Office.  (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …