ni Pilar Mateo
WALONG taong gulang na batang tumatayong magulang sa kanyang pitong kapatid ang karakter na bibigyang buhay ng internationally acclaimed child actor na si Bugoy Cariño sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN ngayong Sabado (Mayo 3).Mula nang inabandona ng kanilang nanay at tatay, inako na ni Jose (Bugoy) ang responsibildad na pangangalaga at pagtataguyod sa kanilang pamilya. Dahil sa walang ibang mag-aalaga, umabot sa punto na isinasama ni Jose sa pagpasok sa eskuwelahan ang kanyang isang buwang taong gulang na kapatid. At sa tuwing umiiyak ang sanggol, tutungo sila sa isang kwarto sa paaralan upang mamalimos sa mga guro.
Paano kinakaya ng isang bata na magpakamagulang sa kanyang mga kapatid na kapwa niya musmos? Ano ang gagawin ni Jose sa sandaling magpakita muli ang kanilang ina matapos ang ilang taong pagkawala?
Makakasama ni Bugoy sa upcoming heavy drama episode ng MMK sina Izzy Canillo, JB Agustin, CX Navarro, Desiree del Valle, Ian de Leon, Perla Bautista, at Beverly Salviejo. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Nuel Naval, panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Richard Nepomuceno.
Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda dela Cerna at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon at Fe Catherine San Pablo.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, sa Sabado ng gabi pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.