SINA Usec. Jose Llaguno ng DoH, Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, Sen. Ping Lacson ng OPARR, SMIC’s Tessie Sy-Coson, Connie Angeles ng SM Foundation, DoH Usec. Teodoro Herbosa at OPARR Usec. Danilo Antonio sa ginanap na Memorandum of Agreement Signing Ceremony kaugnay sa pagsasaayos ng Tacloban City Hospital na winasak ng super typhoon Yolanda. (BONG SON)
UPANG matugunan ang atensyong medikal ng mga biktima ng super typhoon Yolanda, nakipag-partner ang SM Foundation sa City government at Department of Health (DoH) para sa muling pagtatayo ng Tacloban City Hospital.
Ang nasabing ospital ay lubhang napinsala ng super typhoon Yolanda kaya napagkaitan ang mga residente ng lungsod ng kailangan nilang serbis-yong pangkalusugan.
Ang nasabing ospital ay hindi kabilang sa “No-build zone” kaya hindi na kailangan pang ilipat ng ibang lugar. Kabilang sa muling itatayo at isasaayos ay ang Main Building at ang Out-patient Department (OPD) Building.
Kabilang sa isasagawang repair ang pagpapalawak at relokasyon sa emergency room ng ospital upang makapagserbisyo nang mas maraming pas-yente na nangangailangan ng tulong-medikal.
Ang malnutrition ward ay itatayo rin upang matugunan ang target ng Millen-ium Development Goals (MDGs), gayondin, itatayo rin ang Felicidad Sy Wellness Center for Children and the Elderly.
Ang MOA ay nilagdaan nina Sen. Panfilo Lacson, Presidential Assistant for Rehabilitation & Recovery; Tacloban Mayor Alfred Romualdez; SMIC Vice-Chair & SMFI Trustee Tessie Sy-Coson; Health Undersecretary Teodoro Herbosa; SMFI Exe-cutive Director for Health & Medical Programs, Connie Angeles; Dr. Jose Llacuna; DoH Regional Director for Region VIII; at Undersecretary Danilo Antonio ng Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation & Reco-very.
Ayon kay Angeles, ang SMFI ay maglalaan din ng basic hospital equipment upang maserbisyohan ang pangangailangang medikal ng 138 barangays na pinagsisilbihan ng ospital.
Aniya, bukod sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng Tacloban City Hospital, isasailalim din sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng SMFI ang sampung Rural Health Units, sa pakikipagtulungan ng BDO Foundation sa Visayas.