ni Ed de Leon
NAHULI na sa Eastern Samar ang negosyanteng si Cedric Lee, at ang isa pang suspect sa pambubugbog sa komedyanteng si Vhong Navarro na kinilalang si Simeon Raz. Inamin nila na ang NBI ang nagsagawa ng paghuli sa dalawa, pero sinuportahan pa iyon ng PNP, at ng Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines. Hindi ba parang nakapakalaking kaso niyan, pati ang ISAFP involved sa paghananap sa mga suspect?Kahit na si Napoles noong unang nagtatago hindi nasabing hinanap ng ISAPF, pero ang bumugbog kay Vhong mukhang buong puwersa talaga ng gobyerno ang kumikilos. Mukhang marami talagang maagang nagpapa-pogi para sa 2016.
Ang susunod na tanong ay kailan naman nila madadampot si Deniece Cornejo? Isa pa, mapapabalik pa kaya nila sa Pilipinas si Juan Paolo Calma, isa pa sa mga suspect na nakatakas patungo sa abroad isang araw bago napirmahan ang warrant of arrest laban sa kanila?
Kung mayroon silang hindi mahuhuli kahit na isa lang diyan, wala ring kuwenta ang kalalabasan niyan. Isipin ninyo ha, physical injuries lang ang kaso pero kumilos hindi lamang ang pulisya kundi pati ang NBI at ISAFP. Tapos kung ganoong matatakasan lang sila, nakahihiya iyon.
Dapat mapabalik nila iyong nakatakas.