Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla, di pa handang magmahal muli!

ni  Ed de Leon

NAPILITAN si Carla Abellana na amining nasaktan din siya sa nangyari sa kanyang love life, pero sinabi niyang ngayon ay nakaka-move on na rin naman siya. Pero wala pa raw siyang bagong manliligaw. Gusto raw muna niyang mailagay sa hustong ayos ang kanyang buhay at saka halos imposible ngang magkaroon ng bagong manliligaw ang magandang aktres, dahil masyado siyang naging busy sa  pelikulang So It’s You.

Inamin din naman ng aktres na kahit na ang isang pelikula ay masasabi mo ngang isang romantic-comedy lang, sinabi naman nilang talagang seryoso sa kanyang trabaho ang director niyon, ang premyadong si Jun Lana. Aminado ang director na ngayon lang siya makagagawa ng rom-com. Pero kahit na ganoon, hindi naman maaaring pabayaan niya kung ano man ang naabot na niya sa paggawa ng pelikula. Natural basta sinabing ang pelikula ay gawa ni Jun Lana, hahanapin ng tao ang quality na nakasanayan na nila sa mga pelikula niyang napanood nila.

Kaya nga nasabi rin ng director na natutuwa naman siya at ang mga artista niyang si Carla at Tom Rodriguez ay seryoso rin naman sa kanilang trabaho. Malaking bagay daw iyon para masiguro nilang talagang magiging maganda ang pelikula nila.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, sinabi pa ni Carla na hindi na siya nagmamadali. Marami pa raw siyang kailangang isipin sa ngayon. Nagsisimulang dumating sa kanya ang magagandang breaks. Ngayon ay bida na siya sa pelikula ay may ilang pelikula pang nakalinyang gagawin niya. Sinasabi rin niyang very soon ay magsisimula na naman siya ng isang serye sa GMA 7. Ibig sabihin magiging masyado nga siyang busy sa mga susunod na araw.

Kung iisipin mo, iyon na naman ang pagsisimulan ng problema ng kanyang love life kung sakali. Paano nga kung wala naman siyang panahon dahil sa rami ng trabahong kailangan niyang gawin?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …