Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mason todas sa PNR train (Dalawang paa naputol)

BINAWIAN ng buhay ang 43-anyos mason makaraang mahagip ng PNR train sa Antipolo St., kanto ng Jose Abad Santos St., Sta Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Ang biktimang si Max Padon ng Fairview, Quezon City ay nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tondo.

Ayon kay Lito Liaban, foreman ng Aleway Construction, nagsasagawa sila ng rip-rapping sa flood control canal sa tabi ng riles nang tumawid ang biktima dakong 7 a.m.

Ngunit nadulas ang biktima sa riles kaya nahagip ng tren na patu-ngong Bicutan mula sa Tutuban station sa Maynila.

Humihinga pa ang biktima nang daluhan ngunit putol na ang isang paa habang durog ang isa pa at may sugat sa ulo.

Isinugod ang biktima sa nabanggit na ospital ngunit dakong 10 a.m. kahapon ay binawian ng buhay.

Nitong Abril 7, isang lalaki ang namatay makaraang mabundol at makaladkad ng PNR train sa Sampaloc, Maynila.

– LEONARD BASILIO (May kasamang ulat nina CAMILLE BOLOS, NIKKI-ANN CABALQUINTO, ANTONIO MAAGHOP, JR., BHENHOR TECSON, at LARA LIZA SINGSON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …