Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diskarteng suntok sa buwan ng mga ‘bata’ ni Sec. Purisima

SA UNANG quarter pa lamang ng taong ito, pumalpak na agad ang dalawang ahensiyang pinamumunuan ni Finance Secretary Cesar Purisima.

Parehong sumalto at hindi na-meet ang target collection for the 1st quarter of this year ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ni Commissioner Kim ‘Yabang’ Henares at ng Bureau of Customs ni Commissioner Sunny Sevilla.

Papogi umano para kay  Pangulong Noynoy Aquino ang mga quarterly target collection figures na ipinalalabas ni Sec. Purisima para sa BIR at BoC kahit alam pa ng Kalihim ng Finance Department na ‘SUNTOK SA BUWAN’ ang ipinagyayabang niya.

Sobra umanong ambisyoso at wala sa ‘hulog’ ang ipinipresinta nitong target collections kay PNoy.

Kaya tuloy nagagawa ni KIM HENARES ng BIR na mambraso ng mga artista, celebrities at maging ng sektor ng mga propesyonal gaya ng mga doktor at abogado sa hangaring ma-impress ang BOSS nilang si Aquino.

Maging ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ay target na ni Henares para makapagmayabang sa kanyang shooting buddy na si President Aquino.

Talamak na smuggling naman ang sinisisi ni Commissioner Sevilla kung bakit short ang BoC ng mahigit sa P8.5B sa kanilang target collection na P94.76B sa 1st quarter ng 2014.

Parang sinabi na rin ni Sevilla na inutil silang lahat na opisyal ng Customs para sugpuin ang smuggling.

Speaking of BoC, bakit kaya hindi kaya ng tatlong Official  na sina SEVILLA, DELLOSA at NEPOMUCENO na irampa itong sina TINA, BEBANG, GERRY U, FRANK WONG, BOY VALENZUELA, JR TOLENTINO, BIG MAMA, TEVES BROTHERS, AYING ACUZAR, LUCIO KHO, TEVES BROTHERS ,VICKY THO, ERICK YAP, GEORGE UY,  HELEN TAN, EDWIN SY, DANY NGO, ANTHONY “onion king “ SY, MARIVIC BRIONES ,  at MANNY SANTOS.

Si  TINA U ang acknowledged PLASTIC RESIN SMUGGLING QUEEN ng Aduana samantala galamay naman ng pamosong si DAVID TAN BANGAYAN  itong si SANTOS sa rice smuggling activities.

Nauwi sa bangayan nina Dellosa  at  Nepomuceno ang patungkol sa mga parating ng ‘bigtime smugglers’ sa BoC.

Nagkapersonalan ang mga tauhan ng dalawa na nasa frontline ng Customs.

At habang abala ngayon sina Dellosa  at Nepomuceno sa pagla-lobby sa kanilang mga padrino sa executive at legislative branch ng gobyerno, tuloy ang ligaya nina U at SANTOS at ng iba pang smugglers sa bakuran ng mga puerto ng Pinas.

Andiyan din ang mga dating ‘aso’ ni  Santos na sina JENNY at GUY na makaraang matuto ng diskarte ay nag-solo trip na at gumawa ng sariling network sa technical smuggling.

Dahil front nga dati ng bigtime smuggler na si SANTOS, naka-estabilisa ng solid contact sa loob ng BoC sina GUY at JENNY.

Ngayon nga, kanila na mismo ang mga paparating na kontrabando na karamihan ay declared as GENERAL MERCHANDISE.

Kadalasan ay sa POM at MICP dumaraan ang mga ‘palundag’ na kargamento nina GUY at JENNY kasapakat ang mga buwayang principal appraisers at principal examiners.

Patok din ang mga parating na imported ONIONS at GARLICS ng dalawang kupal na babae.

Your honor … Mr. President Noynoy Aquino sir, ‘wag po sana ninyong iasa kina Sec. Purisima at Executive Secretary Paquito Ochoa  ang paglilinis laban sa smuggling activities diyan sa BoC! Please lang po.

Sila po kasi ang nasa likod ng pagdurog noon kay dating Customs Commissioner Ruffy Biazon  na inyong bestfriend way back noong pareho pa kayong Congressman pa kayo.

Nasagasaan po kasi ni Ruffy  ang interes nina Ochoa at Purisima sa Aduana.

Kailangan maging ‘hands on’ po kayo Mr. President sa talamak na kalakaran diyan sa Customs or else…

Gaano na kaya ang worth ng assets nitong sina Secretary Ochoa at Sec. Purisima after manungkulang Pangulo si PNoy?

May kasunod … ABANGAN!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air “Monday – Friday 2:00 – 3:00 pm. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …