Friday , November 22 2024

Tulong kailangan ng farmers

KAILANGAN ng mga Filipino ng higit na maaasahang agri-business ventures sa harap ng napipintong krisis sa pagkain sa mundo na magsisimula sa pagtataas ng presyo ng pagkain, ayon sa inilathalang ulat kaugnay sa pahayag ng Filipino economist.

Ang dahilan ay ang global climate change na nagdulot ng pagkasira at matinding pinsala. Ayon kay Gonzalo Catan, Jr., executive president ng MAPECON Green Charcoal Philippines Inc., ang Filipinas na natural agricultural country, ay da-pat handa sa posibleng idudulot ng climate change.

Isinisisi ng mga Filipino ang phenomenon sa masamang panahon. Nandiyan din ang bad government policy na walang malasakit sa kapakanan ng mga magsasaka. Ang masamang panahon ay heaven-made. Ngunit ang bad government ay lalo pang tinangkilik ang foreign agri-products, partikular habang ang bansa ay nawawalan ng bilyon-bilyong piso kada buwan dulot ng mga nana-nabotahe sa ekonomiya.

Aniya, maraming mga magsasaka ang nasa mahirap na kalagayan, at nakapagtataka kung paano nila naipagpapatuloy ang kanilang pamumuhay sa kabila ng talamak na smuggling, bunsod ng kapabayaan ng gobyerno.

Ang factors na ito, ayon kay Catan, ang nagtutulak sa mga magsasaka para lumayo sa mga bukirin. Ang matindi, imbes hikayatin ang kanilang mga anak na kumuha ng kurso sa agrikultura, ay hinihikayat nilang mag-aral na lamang ng ibang mga kurso para magkaroon ng white collar jobs o trabaho sa ibayong dagat. Ito ay nagresulta sa malaking pagbagsak ng enrolment sa agri-schools.

Bunsod nito, dapat na magpatupad ang gobyerno ng mga panuntunan upang maibalik sila sa mga bukirin. Ang pinakamahalaga ay dapat iwaksi ng gobyerno ang pagiging bias laban sa agrikultura; maipabatid sa mga magsasaka na sila ay dapat ipagmalaki dahil sila ang nagpapakain sa mga tao. Kung wala ang mga magsasaka, ang mahihirap na unti-unting nawawalan ng pag-asa at dignidad, ang bansa ay haharap sa matinding pagbagsak ng ekonomiya.

“It’s a pity, we have vast tracks of agriculture lands but lay unproductive,” malungkot na pahayag ni Catan, idinagdag na “It’s about time the government put agriculture at the very center of development before it’s too late.”

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *