Saturday , November 16 2024

Mag-anak patay sa Malate fire

043014_FRONT

Tatlong miyembro ng pamilya  ang  patay habang tatlo ang sugatan sa naganap na sunog sa Jorge Bocobo St., Malate, Maynila, iniulat Martes ng hapon.

Kinilala ang mga namatay  na sina Margarita Villar, 62-anyos, Edgardo Villar, 61-anyos, at Merwin Villar, 42-anyos, na  nadala pa sa pagamutan pero ‘di na umabot nang buhay  dahil sa acute respiratory failure secondary to smoke inhilation o suffocation.

Mag-asawa at anak nila ang mga namatay na hindi nagawang makalabas ng kanilang bahay sa kasagsagan ng sunog na natagpuan sa kanilang banyo.

Dakong 3:09 p.m. nang magsimula ang sunog na umabot sa ika-limang alarma.

Sa ulat, kabilang sa mga sugatan ang  89-anyos lola na nakasakay sa wheelchair.

Dahil sira ang tinatapakang bahagi ng wheelchair, aksidenteng nakaladkad ang paa ng lola habang itinatakbo palayo sa sunog.

Sugatan din si Margie Villar, 50-anyos, na nawalan ng malay matapos ma-suffocate.

Suffocation din ang dahilan kaya nasugatan ang isa pang biktima na hindi na nakuha ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Fire Supt. Jaime Ramirez, fire marshal chief ng Maynila, nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay na pagmamay-ari ng isang Corazon Layug.

Dakong 4:09 p.m.  nang ideklarang fire out ang sunog.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *