Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Pag oposisyon, tira agad pero ‘pag kakampi…

ANO kaya ang tunay na nilalaman ng ‘kanta’ ng binansagang pork barrel scam queen na si Janet Napoles na kamakailan ay naging “performer”  sa harap ni Justice Sec. Leila De Lima sa loob ng limang oras sa Ospital ng Makati?

Hanggang ngayon ay maraming nahihiwagaan dahil tila itinatago ito sa publiko ng gobyernong Aquino.

May dalawang linggo na rin ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin batid ng publiko ang salaysay ni Napoles na masasabing isang public document na.

Kaya hayun dahil sa ‘pananahimik’ ng gobyerno sa tunay na nilalaman ng pagkanta ni Napoles, maraming naglalabasang haka-haka. Katunayan napaulat pa nga sa isang pahayagan na ilan sa kapanalig ni PNoy ang kasama sa mga ikinanta ni Napoles – oo mga kasabwat din sa pork scam.

Ang nakatatawa pa, sa kabila ng hindi pa inilalabas ng Department of Justice (DoJ) ang pagtuga ni Napoles, si Senate President Franklin Drilon ay nagngangawa na. Deny to death na ang mama na posibleng ilalaban ni PNoy sa 2016 dahil mahina nga si Mar Roxas.

Teka wala pa man at hindi pa inilalabas ng DoJ ang nilalaman ng testamento ni Napoles, panay na ang react ni Drilon. Anong ibig sabihin kaya nito? May nakapagbulong kaya kay Drilon na isa siya sa itinuga ni Napoles? Iyan naman ay kung kasama si Drilon sa ikinanta ni Napoles maging sa listahan na hawak ni Sen. Ping Lacson.

Maging si Budget Sec. Abad yata ay nag-react na rin hinggil sa pagkanta ni Napoles na isinisekreto naman ng Justice Secretary kung ano ang nilalaman ng “song for the month.” Bakit?

Well, ‘ika nga ay bato-bato sa langit tamaan ay dapat nang mag-react bago pa lumabas ang katotohanan o ang kanyang pangalan.

Pero bakit kaya hanggang ngayon e hindi pa inilalabas ni De Lima ang nilalaman ng testamento  ni Napoles, ibig bang sabihin nito ay may mga isinangkot si Napoles na kapanalig ni Pangulong Noynoy?

Pero kung wala siguro at tanging mga oposisyon lang ang mga sabit o di kaya kung sina Senators Ernile, Revilla at Estrada lamang ang sabit, marahil ay katakot-takot na presscon na ang ginagawa ng gobyernong Aquino pero hindi nila ginagawa ito. Bakit? Bakit nga ba? Ha ha ha…e ano pa nga ba ang ibig sabihin nito? Malamang may mga iba pang mambabatas  (senator o congressman)  na kasabwat at may  posibilidad na kakampi ng gobyerno ang ilan sa mga idinawit na nakinabang sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng PDAF.

Kaya nga itinatago muna ang Napoles song este, sinasala pala para pag-aralan kung gagawing state witness si Napoles. Naloko na! Pero pagsala nga lang ba ang intensyon ng DOJ para tingnan kung puwedeng gawing state witness si Napoles o ibang klaseng pagsala? Kayo na ang bahalang humusga mga kababayan.

137 ni Joy sa P’que, tuloy!

Ano kaya ang dahilan ng pananahimik ni NCRPO Director, Chief Supt. Carmelo Valmoria laban sa talamak na operasyon ng jueteng ni alyas JOY sa Parañaque City? Nabili na kaya ng tropa ni Joy ang nag-iisang bituin sa balikat ni Valmoria? Hindi naman siguro, pero, ba’t siya tahimik? Samantala noong panahon ng kanyang pinalitang si Chief Supt. Marcelo Garbo ay hindi nakapaglalatag ng kanyang jueteng ni Joy?

Katulong ni Joy sa kanyang jueteng ay sina alyas ‘NONONG’ at alyas  ‘Philip’ ng Taguig. Ipinangalalandakan ng tatlo na nabili na nila ang NCRPO.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …