Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-invest sa ads tourism

Jesus is able to save completely those who come to God through him, because he always lives to intercede for them. —Hebrew 7:25

MARAMING banyaga ang namamangha sa magagandangnatural resources sa Pilipinas. Kaiba sa ibang nasyon, mas hitik ang bansa sa hubog ng ating kalikasan, mga kakaibang tanawin at ganda ng ating kapaligiran, mga bundok, dagat at iba pa.

Kaya naman marami ang nanghihinayang kung bakit hindi ito nabibigyan pansin ng national government para makahikayat pa ng mas maraming turista.

Kumbaga, gawin income generating ang turismo!

***

NASABI natin ito mga kabarangay, dahil may mga nakausap tayong mga banyaga kamakailan, na kapag nalaman ikaw ay isang Pilipino, laging binabanggit ang isla ng Boracay, pero bukod doon ay wala nang ibang nasasambit patungkol sa iba pang yaman at angking kagandahan ng ating bansa.

Kompara sa ibang kalapit bansa sa Asya, ibinabandera nila sa mass media, partikular sa mga television cable advertisement ang magagandang tanawin makikita sa kanilang bansa, kapag nagtungo ka halimbawa sa Singapore o Malaysia.

Hindi lang iisang tourist destination ang kanilang ipinagmamayabang!

***

GINAGASTUSAN nang milyon ng kanilang gobyerno ang pagbibigay impormasyon ukol sa mga tourist destination ng kanilang bansa. Ito ay upang makahikayat ng mga dayuhang turista sa buong mundo.

Noong nakalipas na taon, halos kalahati ng government revenue ng Thailand ay galing sa milyong turista dumayo sa kanilang bansa.

Bakit hindi natin ito magawa sa Pilipinas?!

IT’S MORE FUN

IN THE PHILIPPINES?!

SAYANG ang slogan ibinabendera ni Tourism Secretary Ramon Jimenez, Jr., ang “It’s More Fun in the Philippines”na napalaoob lamang sa local tourist at hindi masyadong pinagtutuunan pansin ng foreign tourist. Mas okey sana kung malawak na maipaaabot sa mga dayuhan sa buong mundo.

Totoong napakamahal ng advertisement sa cable television, ngunit higit naman ang balik nito sa revenue income sa pagdating ng mga turista sa ating bansa.

Mag-invest sa advertisement, ‘yan ang dapat gawin sa tourism industry!

KOREAN DELICADEZA

KAHANGA-HANGA ang pagbibitiw ng Prime Minister ngSouth Korea na si Chung Hong-won sa puwesto dahil sa nangyaring paglubog ng isang ferry na ikinamatay ng 300 katao, kamakailan.

Hindi nakayanan ni Chung ang pressure mula sa pamilya ng mga biktima na sinisisi ang kanyang gobyerno sa kabagalan umaksyon sa trahedya.

***

MAY 188 bangkay ang narekober, subalit may 114 pa ang hindi pa rin matagpuan sa dagat. Karamihang sakay ng naturang ferry ay mga estudyante.

Mabilis na inaresto at ikinulong ang mga crew ng ferry kabilang ang kapitan ng barko na agad sinisisi sa nangyaring paglubog ng ferry.

***

SABI ni Chung sa kanyang pagbibitiw:

“As I saw grieving families suffering with the pain of losing their loved ones and the sadness and resentment of the public, I thought I should take all responsibility as prime minister.

“There have been so many varieties of irregularities that have continued in every corner of our society and practices that have gone wrong. I hope these deep-rooted evils get corrected this time and this kind of accident never happens again.”

PINOY DELICADEZA

KUNG ang lahat ng opisyal ng ating gobyerno ay tularan lamang ang ginawa ni Chung, Dios mio sa nangyayaring eskandalo sa gobyerno, baka wala nang matirang opisyal sa ating pamahalaan.

Dahil tawasin man, hindi magbibitiw ang mga opisyal ng ating gobyerno kesehodang tuwiran na siyang ituro na may kinalaman sa krimen, gaya ng pagnanakaw sa kaban ng ating gobyerno.

Susme, wala sa kanilang bokubolaryo ang salitang delicadeza!

***

KAPIT-TUKO sa puwesto ang mga opisyal ng ating gobyerno. Walang kahihiyan kahit pa isabit sa extortion, pagbulsa sa kaban o sa simpleng pagmamaniobra sa kontrata pabor sa kompanyang pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

Sa ating bansa, ang mga inaakusahan mandarambong ay napupuwesto pa sa gobyerno, mayroon namang nagpapalusot pa at ginagamit ang media sa kanyang walang katapusang alibi at pagtatahi ng kasinungalingan, habang ang iba ay nanalo pa sa eleksyon!

Kapalmuks lahat!

***

KAYA napakagandang asal at halimbawa ang ipinakita ni Chung sa mga kababayang South Korean, na ang kanilang bansa ay may kahihiyan, may delicadeza, hindi kapit-tuko sa puwesto at hindi makapal ang mukha!

Sabi nga sa isang eksena sa pelikulang Spiderman: “With great power comes with great responsibility!” Ito ang dapat umiral sa bawat opisyal ng ating gobyerno!

Aysus! wish ko lang!

Para sa anumang komento, mag-email lamang [email protected] or mag-text sa # 0932-321-4355.Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …