The Son of Man came to seek and to save what was lost. —Luke 19: 10
GANAP nang santo ang popular na Santo Papa sa buong mundo na si Pope John Paul II matapos ang canonizationkahapon sa Vatican City sa Rome.
Kasama rin hinirang na santo si Pope John Paul XXIIIna bantog na reformist ng simbahang Katoliko noong dekada ‘60.
Kasama tayo sa nagbubunyi sa pagiging Santo ng dalawang dating Papa!
***
SA dalawang papa, si Pope John Paul II ang mas sariwa sa alaala at puso ng mga Katoliko lalo na ng mga Pilipino dahil kamamatay lamang nito noong 2005, kompara kay Pope John Paul XXIII na namatay noong dekada ‘60.
Si Pope John Paul II na 26 taon naging lider ng simbahan Katoliko ang pinakamalapit sa lahat lalo na sa masang Pilipino. Kinikilala at inirerespeto niya ang lahat ng uri ng relihiyon sa mundo, kaya ganoon na lamang ang natatangap niyang papuri sa mga religious leader, mapa-Muslim o Mormons man.
Kaya tinagurian siyang Pope of the People!
TRAVEL TO CREATOR
BAGAMA’T hindi nakatuntong sa Vatican City, ang inyong abang Lingkod, pero nitong nakaraang Holy Week naman ay napasama tayo sa isang mahaba at makabuluhang paglalakbay patungo sa isang magandang misyon sa pagtuklas sa ating Panginoong Hesus.
Kaya gusto ko pasalamatan at batiin ang aking mga bagong naging bff sa naturang paglalakbay gaya ninaYolanda at Imelda Dorado, Emelina Corteza, Elisa Ungco, Era at Potenciano Tangcangco, Julius Era, Melissa Reyes, Virgilio at Concepcion Sison, Victoria Correa, Rolando at Leomar Caguiat.
***
GAYUNDIN ang sweet partners na sina Paul at Loida Tan, Adilberto at Gloria Banigued, Adel at May at iba pa na hindi na natin mabanggit dahil na rin sa kakulangan ng espasyo ng ating kolum.
Kasama rin namin sa paglalakbay ang dalawang Pari Katoliko na sina Father Rico Ponce at Rey Caigoy na nagsilbi naming spiritual guide sa masasabi namin na travel to creator. Kasama rin namin ang promoter sa aming paglalakbay na si Alice Vidal.
Sa mga Bff ko sa paglalakbay, salamat hanggang sa muli!
DUBAI IS THE BEST
DESTINATION FOR OFWs
MAY nakakuwentohan ang inyong Lingkod kamakailan na mas maganda pala ang pamumuhay ng OFWs sa Dubai kaysa ibang nasyon na mayroong tayong mga OFW.
Maayos ang estado ng pamumuhay ng OFWs sa Dubai, libre ang kanilang board and lodging mula sa kanilang employers. Mataas ang suweldo na kanilang nakukuha.
At higit sa lahat walang maltreatment o harassment!
***
KAYA sa mga kabarangay nating OFWs lalo na ang mga nagtatrabaho sa Hong Kong, Malaysia at iba pa, naku, kung may pagkakataon kayong makalipat ng bansa na mapupuntahan aba, sa Dubai kayo magtungo dahil bonga ang pasahod, bonga pa ang pamumuhay doon.
Huwag na kayong magtiis sa kakarampot na pasahod ng mga tsekwa sa Hong Kong, sa Dubai, na bagama’t Muslim country ay isang open city para sa lahat at tiyak aayos ang inyong buhay!
Subukan n’yo mga kabarangay!
WELCOME UNCLE SAM!
NGAYONG araw ang pagdating ng Kinatawan ni Uncle Sam—ang Pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa sa mundo ang United States of America (US of A) President Barrack Obama.
Ikinagagalak natin ang kanyang pagdating sa bansa, dahil ipinapakita lamang ang lakas ng puwersa ng Pilipinas ay nakasalalay rin sa pagkakaroon natin ng ugnayan sa America.
***
ANG maging kasangga ng US ay isang malaking prebilihiyo sa atin. Lalo na ang mga nagbabanta sa ating teritoryo.
Malaking tulong din ang kanilang ibinibigay nang masalanta ng super bagyong Yolanda ang mga taga-Visayas. Sila agad ang tumugon sa panawagan nating tulong.
***
KAYA’T hindi ko tuloy mawari kung bakit nagpoprotesta ang umano’y mga anti-US protesters, pero wala silang pagtutol sa ginagawang kawalanghiyaan ng bansang China sa pagsakop sa ating mga teritoryo na ang huli’y ang isyu ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Sabihin nang bias dahil sa ako’y isang US pensioner, pero mas gugustuin kong magpasakop sa mga Amerikano kaysa mga Chinese na tanging dala ay mga peke at dekadenteng produkto, susme, ‘wag na lang!
Hindi ba mga kabarangay?!
Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos