Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 utas, 4 sugatan sa ratrat ng tandem

BUMUWAL na walang buhay ang dalawa katao, kabilang ang isang babae, nang ratratin sa kalagitnaan ng kanilang inoman sa Masbate City kamaka-lawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Ricardo Padilla at Norma Andaya, habang malubha ang kalagayan sa Masbate City Provincial Hospital sina Rose Andaya, Edna Garganta, Rezyl Andaya at Lito Garganta, pawang residente ng Sitio Circulo ng nasabing lungsod.

Samantala, patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na tumakas sakay ng kanilang motorsiklo makaraan ang pamamaril.

Base sa ulat ng Masbate City PNP sa Police Regional Office (PRO) 5 Camp Simeon Ola, naganap ang insidente dakong 9:50 p.m. sa nabanggit na bisinidad.

Sinasabing habang nag-iinoman ang grupo, biglang huminto ang isang motorsiklo at walang sabi-sabing pinaputukan sila ng mga suspek.

Kasalukuyan wala pang alam ang pulisya kung ano ang ugat ng krimen at sino-sino ang responsable sa insidente. (JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …