Friday , November 15 2024

Lee, Raz arestado ‘di sumuko

042814 cedric lee raz
TINANGKANG itago nina Cedric Lee at Simeon Raz, Jr., Ang nakaposas nilang mga kamay sa pamamagitan ng t-shirt nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Philippine Airlines flight PR 2982 dakong 7:35 am kahapon. (EDWIN ALCALA)

PILIT na itinatago nina Cedric Lee at Simeon Raz Jr. ang nakaposas nilang mga kamay nang lumapag ang kanilang sinasakyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 lulan ng Philippine Airlines flight PR 2982 dakong 7:35 a.m. kahapon.

Ang dalawa ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng  National Bureau of Investigation (NBI) at ISAFP sa  Dolores, Eastern Samar habang nagtatangkang tumakas.

Sina Lee, Raz at tatlong iba pa ay kinasuhan ng  serious illegal detention, at iba pang demanda, dahil sa pambubugbog at pagpigil sa actor/TV host Vhong Navarro sa  Forbeswood Heights condominium sa Taguig noong Enero 22.

Ani Lee, handa niyang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya at sinabing taliwas sa ipinahayag ng NBI, sila’y sumuko at  hindi inaresto nang sila’y matunton sa Eastern Samar.

Ang dalawa ay dinala sa punong tanggapan ng NBI lulan ng  asul na Adventure para doon pansamanatalang manatili.

Sa report, namataan sina Lee at Raz  at muntik masakote ng  operatiba ng  NBI sa isang beach resort sa  Barangay 13, Dolores, Eastern Samar nitong  Biyernes, Abril 25, pero sila’y nakahulagpos sa pamamagitan ng pagtalon sa bakod at nagtago sa isang niyugan buong magdamag.

Tinutugis  ngayon ng awtoridad sina  Deniece Cornejo, Jed Fernandez at Ferdinand Guerrero, mga inakusahan din ng kaparehong demanda.

(RUDY SANTOS)

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *