BAKIT malakas si Jessica “Jec-jec” Delgado, ang bagong hepe ng Entry Processing Unit (EPU), kay District Collector Roberto Almadin ng Bureau of Customs, Port of Cebu?
Ano ang CONNECTION ni Delgado kay Almadin na isang retired military intelligence official? ORDERED DISMISSED by the Ombdusman si Delgado dahil sa kanyang kaso nong 2011 ngunit ini-appoint pa ni Almadin na maging hepe ng EPU samantala marami naman ang may kakayahan at walang kaso.
Dating boarding and clearing officer ng Port Operations Division (POD) sa Sub-Port of Mactan-Cebu itong si Delgado na sumabit sa kontro-bersyal na pagkawala ng M/V Philippine Dream.
Kabilang si Delgado sa tatlong opisyal na nais-yuhan og dismissal orders dahil sa kanilang PAHINTULOT na makalarga ang M/V Philippine Dream na napatawan na ng WSD (Warrant of Seizure and Detention) Order papuntang Chittagong, Bangladesh noong Mayo 27, 2008.
Base sa resolusyon na pinirmahan noong 2011 ni Customs Commissioner Angelito Alvarez, ang tatlong opisyal, kabilang si Delgado, ay NA-PATUNAYANG NAGKASALA sa kasong “gross neglect of duty and conduct prejudicial to the best interest of the service.”
DEPENSA ni Almadin, ayos na raw si Delgado dahil ang kaso nito ay “was already resolved at the Civil Service Commission in her favor.”
Ngunit ayon sa isang mataas na opisyal ng BOC Port of Cebu, na ayaw magpabanggit ng pa-ngalan baka raw siya resbakan, may isang malapit na kamag-anak si Delgado sa Civil Service Commission (CSC).
Samantala, meron din mata-taas na opisyal sa Port of Cebu na may UGNAYAN sa isang BOBOY LAO na kamakailan ay nagtangkang mag-ismagel ng mosquito coils na pinangambahang nakalalason dahil hindi dumaan sa Food and Drugs Administration. Iyan po ang ‘Daang Matuwid’ sa BoC Port of Cebu, PWE!
Junex Doronio