Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cedric Lee nagtatago sa Cebu?

CEBU CITY – Nakatanggap ng unverified reports ang National Bureau of Investigation Region 7 na nasa Cebu ang isa sa mga akusadong bumugbog sa comedian-actor na si Vhong Navarro.

Ayon kay Cebu kay NBI-7 Regional Director Max Salvador, nagsasagawa sila ng pagsusuri kung gaano katotoo ang natanggap na ulat.

Iginiit ni Salvador na gagawin nila ang lahat upang mahuli si Cedric Lee sakaling matukoy na nasa Cebu talaga.

Maalala na pabalik-balik na sa Cebu ang negosyante nang sumali ang kanyang kompanya sa bidding tungkol sa multi-million  peso  waste  to energy project ng Kapitolyo ngunit hindi ito natupad nang nalagay sa kontrobersya si dating Cebu Governor Gwen Garcia dahil sa kasong katiwalian. Si Cedric Lee ang isa sa mga akusado sa pambubugbog kay Vhong Navarro na may standing warrant of arrest mula sa Taguig RTC kasama sina Deniece Cornejo at tatlong iba pa.

(LAYANA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …