Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam at Gerald, mas prioridad ang career

ni  Maricris Valdez Nicasio
 

KAYA naman pala bukod sa pagiging abala bilang leading man ni Anne Curtis saDyesebel, busy din si Sam Milby sa kanyang business. Abala naman masyado siGerald Anderson sa kanyang TV at movie career. Paano’y mas gusto raw nilang makaipon muna bago pagtuunan ng pansin ang pag-ibig.

Kumbaga, isinantabi muna ang pag-ibig over work.

Para sa 29-anyos na si Sam at 25-anyos na si Gerald, at saka na nila iisipin ang pagpapakasal kapag lumampas na sila ng edad 30. Sa ngayon, mas tututukan daw muna nila ang karera upang makapag-ipon para sa kani-kanilang pamilya at magiging pamilya.

“Gusto kong mas tumagal sa showbiz kaya mas nagsisikap ako. Alam ko na hindi ito permanente kaya kailangang magsipag habang marami pang proyektong dumarating. Kailangan mo itong i-enjoy habang kaya mo pa at gamitin sa tama ang kinikita,”ani Sam sa Tapatan Ni Tunying na mapapanood ngayong Huwebes (Abril 24).

Siyam na taon matapos namang sumali sa reality show na Pinoy Big Brother (PBB) noong 2005 at makapasok sa showbiz, nakapagpundar na ng sariling tahanan si Sam. Nagpapatakbo na rin siya ng dalawang negosyo, isang restaurant at isang coffee shop.

Kagaya ni Sam, sa PBB din nagsimula si Gerald noong 2006. Matapos nito ay agad sumikat ang binata at hindi na nawalan ng proyekto sa telebisyon at pelikula.

“Na-inlove ako sa craft ng acting. Sabi ko sa sarili ko, ‘Ito na. Ito na yung gusto ko,’”sabi niya.

Dagdag niya, masarap kumita ng pera habang ginagawa ang bagay na nagpapasaya sa ‘yo.

“Siyempre ‘yung financial benefits nariyan. Ang buong pamilya ko, okay na okay ngayon dahil sa pagiging artista ko,” paliwanag ni Gerald.

Sa ngayon, nakapagpatayo na siya ng sariling bahay sa Maynila at isa pa sa General Santos para naman sa kanyang ina.

Bukod sa makulay nilang pakikipagsapalaran sa showbiz, magbabahagi rin sina Sam at Gerald ng tungkol sa kontrobersiyal nilang buhay pag-ibig. Kaya huwag palampasin angTNT gayundin ang Dyesebel na lalong gumaganda ang istorya ngayong nalaman na ni Anne na hindi siya anak ni Ai Ai delas Alas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …