Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alwyn, makaka-mouth to mouth si Vin?

ni  Maricris Valdez Nicasio

IBANG klaseng artista talaga itong si Alwyn Uytingco. Imagine, napapayag siyang makahalikan si Vin Abrenica dahil kailangan sa istorya. Mangyayari ito ngayong linggo sa Beki Boxer na makiki-summer sina Rocky (Alwyn) at ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa beach.

Sa beach ay masosolo ni Rocky si Atong (Vin) at magkakaroon sila ng moment sa beach. Kaya lang, may makikilalang babae si Atong na kahuhumalingan ng binata. Ito na ba ang makakaagaw ni Rocky sa puso ni Atong?

Lalo pang magiging riot ang lahat dahil eeksena itong si Venus (Claire Ruiz) at “malulunod” sa beach para iligtas ni Rocky. Agad namang lalangoy sina Rocky at Atong para iligtas si Venus pero pupulikatin si Atong at malulunod ng totohanan kaya siya ang ililigtas ni Rocky.

Nang mailigtas si Atong, wala itong malay at tila nasobrahan sa nainom na tubig-dagat. Irerekomenda ni Madonna (Joross Gamboa) na i-mouth-to-mouth na ni Rocky si Atong.

Ito na ba ang chance ni Rocky na makahalikan si Atong? Anong magiging reaksiyon ni Venus? At ano ang aaminin ni Rocky kay Venus?

Abangan ang lahat ng ‘yan sa Beki Boxer, Lunes hanggang Biyernes, 7:00 p.m. sa TV5!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …