Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Gigi Reyes state witness vs Sen. Enrile ng Palasyo?

00 Bulabugin JSY
DUMATING na sa bansa si Madame Atty. Jessica ‘Gigi’ Reyes, ang chief of staff ni Senator Juan Ponce Enrile na sinasabi ni Sen. Miriam Santiago na ‘very close’ sa dating Senate President.

Ang pagbabalik sa bansa ni Atty. Gigi Reyes ay nagbigay ng iba’t ibang espekulasyon sa madla lalo na sa hanay ng mga pinagbibintangang sangkot sa P10-billion pork barrel scam na ang itinuturong may maniobra ng lahat ay si pork barrel queen Janet Lim Napoles na kamakailan lang ay napagtagumpayang isailalim siya sa hospital arrest.

Heto nga’t umandar na naman ang pagiging Madam Auring ni Senator Miriam Santiago.

Dalawa lang ang hula niya …kung hindi raw alam ni Senator Enrile ang pagbabalik ni Atty. Gigi  ibig sabihin lang umano na ‘hiwalay’ na ang dalawa at posibleng may kinalaman umano ang Malacañang.

Ibinibigay ni Sen. Miriam ngayon ang bola kay Blue Ribbon Committee chair Sen. TG Guingona III para kompletohin umano ang kwento kung bakit naririto ngayon si Atty. Gigi.

Alam natin na ang magiging ultimong layunin ni Atty. Gigi ay iligtas ang sarili sa kalaboso. Si Enrile, sa kanyang edad, ay malaki ang posibilidad na makaligtas sa rehas at tarima.

Sa ganang atin, kung tetestigo man o hindi si Atty. Gigi, sana lang ay huwag siyang magamit sa grand standing ng mga politikong gustong magpapogi para sa 2016.

Kahit itanong pa ninyo kay Sen. Miriam.

ALYAS RYAN KOLEKTOR NG NBI AT CIDG SA REGION IV-A

MABIGAT ang dating ng isang alyas RYAN sa CALABARZON (Region IV-A).

Ipinagmamalaki niyang si alyas RYAN na siya ang KOLEKTOR ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng buong Region.

Si alyas RYAN ay batang sarado ni alias ANA na anak ni ROGER DOKLENG — ang may pinakamalaking cobranza ng bookies sa buong rehiyon.

Aba ‘e mahina ang P1.5 milyones na koleksiyon kada araw. Dinaig pa raw ang STL na legal.

Isang alyas TOPER naman ang katrato ni Ryan sa kanyang mga koleksiyon sa Taal, Lemery, Rosario at Tanauan.

Lahat ‘yan ay hawak din ni Ana.

Isa lang daw ang SECRET kaya tuloy-tuloy ang 1602 operation ni Ana. Lahat ng nakapayong sa kanya ay malakas magbigay sa parak.

Ilan sa mga nakapayong na ‘yan sina alyas GERRY (Brgy. Bulbok), ROLAND LESKANO (Antipolo), MKCOY REKTO, isang Konsuhol ‘este’ Konsehal alias JP, alias Brgy. Kapitan JR, at Brgy. Kapitan alias KAR-LHING

Tsk tsk tsk …

Aba, ano ang ginagawa ni Lipa City Mayor Meynard Sabili at ng mga konsehal ng bayan sa talamak na ilegal na sugal na ito?

Totoo ba ang ang tsismis diyan na sila ang numero unong kapustahan?!

Paki-explain lang po Mayor Sabili!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …