MALAPIT nang ipagdiwang ng great-great grandmother, ang tinaguriang oldest barmaid sa mundo, ang kanyang ika-100 kaarawan ngunit wala pa siyang pla-nong magretiro.
Si Dolly Saville ay patu-loy pa ring nagtatrabaho nang tatlong beses kada linggo sa The Red Lion Hotel sa Wendover, Bucks, makaraan ang 74 taon mula noong 1940.
Nagsimula siyang magtrabaho sa bar noong siya ay 26-anyos pa lamang habang si King George VI pa ang nasa trono, si Winston Churchill ang Prime Minister at ang Britain ay nasa kasagsagan ng World War Two.
Sa huling pitong dekada, napagsilbihan niya ang sikat na mga personalidad katulad nina Pierce Brosnan, Ted Heath, Stanley Matthews, Vera Lynn, Margot Fonteyn at Elizabeth Taylor.
Dati siyang nagtatrabaho ng anim na oras kada araw, anim na araw kada linggo at may dalawang linggong sick leave.
Ngunit ngayon ay binawasan niya ang oras ng kanyang trabaho, ngunit naglilinis pa rin siya ng mga mesa, naghuhugas ng mga baso at nagsisilbi sa mga kustomer.
“I love my work and I love the people, it keeps me going and it’s better than sitting around,” aniya.
“I never thought I would be here this long, but I’ve loved every minute of it. My family keeps asking if I want to stop, but I have no plans to retire.
“My boss is lovely and if he asked me to work an extra shift I would say yes as he has been so kind to me.” (ORANGE QUIRKY NEWS)