Mainam ang panalo ng mga kabayong sina Immaculate, Miss Bianca, Armoury, Jaden Dugo, Providence, Up And Away at Ariba Amor dahil nilaro lamang sila at malamang na makaulit pa sa susunod.
Pero sa kabila niyan ay maraming BKs ang nabigo sa pagkatalo ng outstanding favorite na si Tensile Strength na pinatnubayan ni jockey Val Dilema, iyan ay dahil sa hindi nila nakitaan ng magandang pagdadala at kung kailan ilang metro na lamang ang nalalabi ay dun pa lang inayudahan ng husto.
May mga nakapagsabi rin na kaya nagkaganon ay sumasakay daw si hinete sa kuwadra nung tumalo. Kaya kilatising mabuti ang mga hinete kung may mas pinapanigan na koneksiyon na makakasabay sa iisang karera lang.
0o0
Banderang tapos na napagwagian ng kabayong si Amberdini ang naganap na 2014 PHILRACOM “Sponsored/Benefit Race” (PHILRACOM – Divine Mercy Program Trophy Race) sa pista ng SLLP.
Sa largahan ay hindi na pinaporma pa ng kanyang hinete na si Deo Garcia Fernandez ang mga kalaban hanggang sa makarating sa meta na may mahigit limang kabayong agwat sa sumegundang si Calabar Zone ni sinakyan naman ni John Alvin Guce.
Naorasan ang nasabing tampok na pakarera ng 1:30.6 (13-24-25’-28) para sa distansiyang 1,400 meters.
Congrats sa koneksiyon ng Cool Summer Farms nina Ginoong Joey Dyhengco at kay trainer Anthony Lagrata Francisco.
Fred L. Magno