Inihayag ng Metro Rail Transit (MRT) na nagka-aberya ang kanilang operasyon nang masira ang riles sa pagitan ng North Avenue at Quezon Avenue stations na nagdulot ng abala sa mga pasahero.
Ayon kay MRT General Manager Al Vitangcol, dahil sa aberya, nagpatupad ng provisional service ang MRT na nagsimula dakong 9:35 a.m. na ang biyahe ay mula Taft Avenue Station, Pasay City hanggang Shaw Blvd. station at pabalik.
Napilitan ang pamunuan ng MRT na pababain muna ang mga pasaherong sakop ng Quezon City dahil sa aberya.
Kaagad sinimulan ang pagkumpuni sa sira na natapos makaraan ang ilang oras.
(MIKKO BAYLON)