Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyanteng sangkot sa Inekon extortion case nagpaliwanag sa NBI

PERSONAL na dumulog sa National Bureau of  Investigation (NBI) ang negosyanteng si Roehl “Boyett” Bacar, pangulo ng Comm Builders Technology (Philippines) Corporation (CB&T), para linisin ang kanyang pangalan hinggil sa $30-M Inekon Group extortion case.

Sa  panayam, sinabi ni Atty. Jerusha Villanueva, walang basehan ang pagsasangkot ni Czech Ambassador Joseph Rychtar sa kanyang kliyente sa panghihingi ng pera kapalit ng kontrata sa pagsusuplay ng 48 new coaches ng MRT-3. Paliwanag ng abogado, sa malinis na paraan sa pa-mamagitan ng public bidding kaya nakuha ni Bacar ang kontrata noong 2013 sa pagmamantine ng MRT.

Itinanggi rin ni Bacar ang alegasyon ni Rychtar na siya’y may impluwensya sa mga opisyal ng Department of Transportation and Communications kaya siya nakakuha ng kontrata. Nagsumite na umano sila ng mga dokumento sa NBI para patunayang walang kinalaman si Bacar sa alegas-yon ng extortion. Tiniyak ni Bacar  na handa silang makipagtulungan sa imbes-tigasyon ng NBI para sa ikalilinaw ng isyu.

Matatandaang unang sinampahan ni Bacar ng P30-M libel suit si Rychtar at ang pahayagang Philippine Daily Inquirer dahil sa pagkakalathala noong Abril 5 ng nasabing alegasyon ng embahador.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …